OGL 8- The Islandkada

13 1 16
                                    

Another update for you mga mahal. I don't edit, so all mistakes are mine.
It's my birthday so this is my gift for you mga mahal.

Enjoy Reading!

-------------------------------------------------------------------------------
Samantha's POV

"Ok ka na ba?" tanong ko kay Dianne, medyo nahimasmasan na siya after niyang mag breakdown kanina.

"Gusto mo bang sumama sa amin? Mamimili kami ng mga kakainin natin mamaya." Ngumiti ng marahan si Ate Stacey habang nakatingin kay Dianne, bahagya niya akong sinulyapan

"Ok na ako mga ate, pero pwede po bang magpaiwan muna ako dito? Kailangan ko lang po mag isip-isip" Nagkatinginan kami ni ate Stacey, ngumiti ako at tumango. Naiintindihan namin na kailangan niya munang mapag-isa

"Osige kung iyan ang gusto mo, may ipabibili ka ba? Anong gusto mong kainin mamaya?"

"Kayo na pong bahala mga ate, kahit ano po ay ok lang" pilit siyang ngumiti sa amin at kita pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata

Tumayo na kami ni Ate Stacey, nauna na akong lumabas ng cottage. Pagkalabas ni ate ay kinawit niya ang kaniyang braso sa akin at nagsimula na kaming maglakad. Hindi pa kami nakakalayo ay tinawag ulit kami ni Dianne

"Salamat sa advice niyo mga ate, salamat kasi sinamahan niyo ko dito. Nalinawan na ako sa mga pagkukulang ko sa relasyon namin" Nagkatinginan kami ni ate Stacey bago ko siya sinagot

"Walang anuman Dianne, nandito lang kami palagi para sa inyo" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti para gumaan ang kalooban niya

Tumalikod na kami at tumuloy na, hapon na din kasi at alam naming marami ng tao sa pamilihan.

Tahimik lang kaming naglalakad ni Ate Stacey, parehong malalim ang iniisip. Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Sorry, hindi ko lang maiwasang mag-alala kay Dianne. Masyado siyang nadala sa selos kaya nauwi sila sa away. Pero parte naman yun ng pagmamahal eh, ang matakot na baka bigla na lang magbago yung nararamdaman niya para sayo"

"Ang komplikado pala talaga ng love na yan noh ate?"

"Hindi naman komplikado ang love, Sam. Ang tao ang nagpapakomplikado ng sitwasyon, masyado tayong maraming iniintindi, marami tayong what ifs na kung tutuusin hindi naman dapat natin iniisip lalo na kung may tiwala ka naman sa partner mo. Pero sabi nga nila ang love hindi naman puro kilig at saya yan, kakabal na niyan ang sakit at pagdududa. Nasa sa inyo kung paano niyo ihahandle ang relasyon, kaya nga may kayo at hindi ikaw lang or hindi lang siya. Kaya ang isa talaga sa magpapatibay sa inyo ay ang komunikasyon."

"Sa tingin mo ate maaayos pa nila yun?"

"Oo naman, wala namang problema ang hindi naaayos sa masinsinang pag-uusap. Kailangan lang nilang linawin ang mga bagay-bagay at ibaba ang pride nila."

"Hay kaya ayoko mainlove eh, dagdag sa sakit ng ulo at puso natatawa na lang talaga ako tuwing sumasagi sa isip ko ang pagkakaroon ng karelasyon"

"Sammy, hindi naman lahat ng relasyon eh masakit sa ulo at puso. Hay paano mo malalaman kung ayaw mong sumubok? Malay mo nasa tabi-tabi na pala si the one mo tapos ikaw ayaw mong lumingon." May pataas-taas pa ng kilay si ate Stacey kaya napailing na lang ako dahil kung sasabayan ko ang pang-aasar niya ay hindi niya ako tatantanan. Sabay na lang din kaming natawa na parang hindi seryoso ang pinag-uusapan namin kanina.

One Great Love (On-Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang