Chapter 19 - The Harlequin

91 5 0
                                    

Napakunot ang noo ko nang makita ang kotse ni Apollo sa labas ng mansiyon. Nakalabas na ba siya ng ospital?

Lumapit ako roon, pero una ko nang napansin ang susi nung kotse na nakasabit sa handbrake ng motor ko. Kinuha ko iyon at nagtatakang tinignan. Tsaka ko naalala na galing nga pala roon kagabi si Alexander. Marahil ginamit niya ang kotse papunta sa Singko at iniwan na lang ito roon pag-alis niya.

Ang kotse ang ginamit ko papuntang university. Hindi naman kasi komportableng gamitin ang motor ko nang naka-uniporme.

I still needed to see how things were going inside the university since we were still getting into the climax of the case. Although the other team already had a lead to the suspect or suspects, I was still unconvinced. Unless I knew myself what their basis was, I had to act myself. Mahirap na baka mali pala sila tapos makawala 'yung salarin dahil wala kaming established second option.

I parked the car on a vacant spot at the parking lot. Immediately after I went out of the car, I sensed something unusual.

Mahigpit na napahawak ako sa handbag ko. Buti na lang may dala akong baril. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar, pero wala naman akong makitang kakaiba. Pinagpasyahan ko na lang na magmadali patungo sa college building bagaman hindi ako nilubayan ng kakaibang pakiramdam.

I alerted my senses and reminded myself that I was in a situation more dangerous than before the database containing all our information was stolen. The enemies, whoever they were, knew us already and we needed to be extra careful.

Mabilis kong inistima ang mga taong nakakasalubong ko, pero wala namang kahina-hinala sa kanila.

Nagdadalawang-isip pa ako kung papasok sa klase kaya nagdesisyon akong pumunta muna sa canteen. Mabibilang lang ang mga estudyanteng naroroon.

Naupo ako sa bakanteng upuan sa pinakasulok ng kainan. Ako lang ang tanging nakaupo sa gawing iyon ng canteen. Mabuti na 'yon para walang distraction.

Hindi pa rin nawala ang kakaibang pakiramdam.

Apat na araw na kami sa university at wala pa kaming matinong imbestigasyon na nagawa. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ni Senior Agent 7 at ipinasok kami bilang estudyante? Mas mainam sana kung staff para may permiso kaming pag-aralan ang mga records ng mga estudyante at faculty. Hiling ko lang na sana may nakuhang impormasyon si Justin tungkol sa faculty bago siya nawala. Tss. It was impossible. Something was really wrong with the goddamn case.

Napansin ako ni Salve pagpasok niya sa canteen. Kumaway ito sa akin na ginatihan ko rin ng kaway at pilit na ngiti. Bumili muna ito ng pagkain at agad ding dumiretso sa mesang kinaroroonan ko.

"Uy, kamusta?" bati nito at naupo sa katapat kong upuan. "Ngayon lang uli kita nakita, ah. Mag-isa ka ata."

Ngumiti ako. Mukhang hinahanap nito si Apollo. "Nasa ospital kasi si Apollo. May sakit," pagsisinungaling ko bagaman totoo namang nasa ospital 'yon.

"Talaga? Bakit, anong nangyari?" mukha namang nag-aalala ito.

"Trangkaso, pero ayos naman na siya."

Tumangu-tango ito. "Ay, siya nga pala. Attend kayo ng acquaintance bukas, ha."

"Uhmm. Hindi ba delikado? Alam mo na, 'yung mga patayan na nangyayari."

Bahagyang lumungkot ang ekspresyon ng mukha nito. "Nakausap na namin ang local police at pumayag naman silang magpatrol within the school vicinity plus 'yung university security unit tutulong din, so we don't have to worry."

Agent Night (Tagalog |  Complete)Where stories live. Discover now