Chapter 26 - Behind that Door

68 4 0
                                    

I was dragged to who-knows-where. May itim na telang nakatabing sa mga mata ko at nakatali sa aking likuran ang aking mga kamay. Ganundin marahil ang ginawa nila kay Apollo. Pero hindi ko sigurado dahil kinaladkad na nila ako palayo sa kanya at kay Michael Villanueva bago ko pa maisipang maglaban.

Kinumpiska rin nila ang mga dala kong armas kaya't sa kalagayan ko, isa na lang ang maasahan ko.

I concentrated my mind until I felt myself passed out to a trance.

My mind drifted away to a close, wide room. Walang ilaw sa kwartong iyon, pero hindi mahirap makita ang kabuuan niyon dala ng liwanag na nagmumula sa mga malalaking brass na ataul. Yeah. Brass coffins. Seven brass coffins actually.

Bumalik din agad ako sa huwisyo. Nagising ako na nakahalik ang pisngi sa malamig na sahig. Nakagapos pa rin ang aking mga kamay at natatabingan pa rin ng itim na tela ang aking mga mata, subalit ramdam kong nasa hindi kalakihang kwarto ako at base sa amoy na nalalanghap ko ay hinuha kong nasa isang lugar ako kung saan maraming lumang papel.

It was either dinala nila ako sa isang bodega o sa Archeion, ang kwarto kung nasaan ang files ng mga saradong kaso.

Nakiramdam ako sa paligid, inaanalisa ang mga tunog na naririnig. Maya-maya, nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa direksyon ko. Dalawang tao marahil. Isang mabigat ang yabag at isang tila pinipilit maging tahimik sa paglalakad.

"Nawalan siya ng malay kanina habang naglalakad kami papunta rito," sabi ng hindi pamilyar na tinig.

Hah! Naglalakad daw. More on kinakaladkad nga 'yun, eh

"'Yung kasama niya, nandun kay Villanueva."

Bigla akong dinaluhong ng pag-aalala para kay Apollo. 'Yung apat kaya?

"Tama ang ginawa niyo. Mahirap ng magkasabay ang Gabi at Araw."

Shit! That voice...Pesteng traydor!

"Wake her up. We need to interrogate her before the Elders come."

Hindi ko na hinintay na gisingin nila ako. Kusa na akong bumangon.

"Traitor," sabi ko, tinitiyak na puno ng lason ang isang salitang 'yon.

Tumawa ang walang-hiya. Bwisit. Naririndi lang ako.

"Anicka "Nyx" Velchez also known as Agent Night, the daughter of the legendary Agent 13 and the granddaughter of Helena de Leon-Soriano," amused na sabi nito. "You have a wonderful family tree. Do I have to cut off another branch?"

Nagtiim ang mga bagang ko.

Naramdaman kong naupo siya sa tapat ko at inabot ang piring sa mga mata ko. Marahas niyang inalis iyon.

I opened my eyes, waited for the blurriness to pass and stared at Senior Agent 7 who was grinning like a crazy man.

"Isa lang naman ang pakay namin sa'yo, eh," anito. "Sabihin mo lang kung nasaan ang itim na dyamante at makikita natin kung anong gagawin niya sa'yo pagkatapos."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Wala akong maintindihan sa pinagsasasabi mo."

Tila inis na tumayo ito. Namewang siya at tumingin sa akin. "Impossible. Wala namang ibang pagkakatiwalaan ng kinaroonan ng diamond na 'yon bukod sa nag-iisang anak ng nagnakaw non."

Nagpanting ang mga tenga ko. Hindi maaaring sila Dad at Mom ang tinutukoy niya dahil may dalawang anak na lalaki ang mga ito kaya't...

"Namatay ang mga magulang ko, wala pa akong muwang sa mundo. Paano nila pagkakatiwalaan ang isang sanggol ng sinasabi mong ninakaw nila? Naturingan kang agent, ang hina mo naman mag-isip," birada ko. "Ahh...siguro kasi, traydor ka lang at hindi totoong agent?"

Agent Night (Tagalog |  Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon