Epilogue

152 4 0
                                    

I revved up my black Maserati at the same time the song "My Immortal" reached crescendo. The music kept me alert while driving. Mula kasi noong insidente sa lumang laboratory, madalas na akong mawala sa sarili. It wasn't remote viewing. Hindi na nga gumana 'yon mula ng gabing 'yun, eh. I just...felt lost.

It had been two weeks since that night. Apat na araw akong walang malay at nasa ospital. Sa loob ng apat na araw na 'yon, ang daming nangyari. My stepfather was brought to jail for homicide. Umamin siyang sangkot siya at si Raphael sa pagkamatay ng mga magulang ko. Kinupkop daw niya ako out of guilt at araw-araw niya raw pinagbabayaran ang kasalanang iyon. My stepmother didn't bear the news well. Mabuti na lang, nasa ospital pa siya kaya't nabantayan siya ng mga doktor nang malaman ang balita.

Raphael was dead. He was cremated two days after para maiwasan na ring pagkainteresan siya ng mga bampira. Although malabong bumalik agad si Jacques Havillard sa bansa sa kahit anong paraan dahil sa ginawa ko sa kanya.

The dagger that threatened him was enchanted with spells. Mula daw iyon sa kulto ng Itim na Sutana. 'A gift from an ancient death god' kuno. Seemingly, that death god hated creatures that live a very long life.

Despite the threat it brought upon the vampire, it didn't cause Apollo any danger. Buti na lang din wala akong natamaang vital organs niya so he was safe...but missing. Yes, he was missing again. Matapos na bumalik ang katinuan niya at malaman ang malungkot na balita, umalis daw siya. Hindi pa nga siya lubusang magaling dahil sa sugat na natamo niya. According to Justin, he visited me while I was unconscious, then left without a word.

Naiintindihan ko naman siya. Mahirap mawalan ng mahal sa buhay kahit pa may tampuhan sa pagitan niyo. Ang kaso, hindi man lang naayos 'yung gusot sa pagitan nilang magkapatid bago naging huli ang lahat.

Alexander died on Apollo's hands. Apparently, the diamond he had was a bluff. It didn't save him from getting killed. Idagdag pang hindi alam ni Apollo ang mga ginagawa niya sa mga oras na iyon. He was way stronger than his younger brother and he had no control of his own body. Alexander's death broke his heart and it seemed to me, he would be looking for revenge.

And I set off to look for him. Tutal magulo ang PUGITA ngayon dahil sa biglaang pagkawala ni Agent Zero. Yeah, pati sya nawawala. Dos was looking for her. Kasalukuyang si Agent 3 ang namamahala sa buong organisasyon.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang mapalitan ng ringtone ang "Demons" by Imagine Dragons na pinakikinggan ko. I fished out my earpiece from my coat's pocket and wear it on my left ear.

"Velchez." Tipid na bungad ko.

"Nasaan ka?" It was Xander.

"National highway. Driving."

"Bumalik ka sa Zero. May kailangan kang malaman."

"Spill."

Narinig ko ang inis na pagbuntong hininga niya. Ang bilis na rin niyang maubusan ng pasensya. "Domus found the diamond already."

Ipinaubaya ko na sa Domus ang paghahanap sa itim na diamond. Wala na akong pakialam doon ngayon. Case closed na ang kaso ng mga magulang ko. Hanggang doon na lang din ang career ko bilang Agent Night.

"And?"

"It was inside the apple on the sculpture's hand." He was referring to the Helen of Troy statue sa lumang naming bahay.

Alam ko na 'yon noon pang araw na ibalik sa akin ni Alexander 'yung kwintas.

"But?" Untag ko pa. He seemed worried of something.

And I was right. "It has been missing again."

...FIN...

Agent Night (Tagalog |  Complete)Where stories live. Discover now