Chapter 21 - Battle Tactics

88 5 0
                                    

Wala kaming imikan ni Apollo mula paglabas ng ospital hanggang makarating kami sa District Five. Sapat na ang mga nalaman ko mula sa kanya kaya iginiit kong hindi ko kailangang aluhin niya ang sama ng loob ko.

Dumiretso kami sa conference room pagsapit sa Singko. Pinatatawag daw umano ang lahat ng miyembro ng Argonauts upang pag-usapan ang plano para bukas ng gabi.

Sa ngayon, malinaw na sa akin kung bakit iniisa-isang patayin ang mga miyembro ng kultong kinabibilangan ng pinatay kong ina. May kailangan ang mga salarin na makuha mula sa grupo. Kung ano 'yun, hindi alam ni Apollo o maaaring hindi rin niya gustong ipaalam sa akin. Ganunpaman, wala pa ring malinaw na pagkakakilanlan ang nasa likod ng mga pagpatay maliban nga sa gumagamit ito ng mga bampira.

Kailangan ko talagang makausap ang head ng kulto nila.

Bagaman matagal na ang mga nangyayaring pagdanak ng dugo sa kulto nila dahil sa hindi matukoy na kalaban, unang pagkakataon iyon na gumamit daw sila ng mga bampira, ayon na rin kay Apollo. Kaya nga't nabulabog talaga sila.

Akala ko noon, hindi totoo ang mga ganoong bagay. Oo, sa trabaho namin, walang impossible. Pero hindi sukat abutin ng isip ko ang mga katotohanan sa likod ng ilang kwentong bayan tulad ng mga bampira.

Kumpleto na ang miyembro ng aming grupo maliban kay Xander, sa amin ni Apollo at sa nawawala pa ring si Justin pagpasok namin. Naka-flash sa projector screen ang blueprint ng university. Naka-highlight ang basketball court kung saan gaganapin ang Acquaintance Party pati na rin ang ilang kalapit na mga buildings.

Nakalatag na rin sa isang parisukat na mesa sa unahan ang mga communication equipment, spy cameras, tatlong digital wrist watches at isang pocket watch.

Napakunot ang noo ko nang makita iyon. Tatlong digital wrist watches? Alam kong ang dalawang wrist watch ay para kay Apollo at Xander at ang isang pocket watch ay akin, so kanino ang isa pang digital wrist watch? May kinuha ba silang kapalit ni Justin?

Bago ko pa maisatinig ang katanungan, bumukas na ang pinto at pumasok si Xander kasama ang isang hindi ko inaasahang bisita.

Hindi ko inalis ang tingin sa kanya hanggang sa makarating silang dalawa ni Xander sa harapan. Nginitian ako ng bisita nang makita ako at sa ipinagtaka ng lahat, kumaway ito sa katabi ko na napagtanto kong si Apollo.

"Okay, before we start, I wanted to introduce Agent 31 Veronica Torralba from District Three," pagpapakilala ni Xander sa kasama niya. "She will be replacing Agent 15 temporarily on this case."

Nagpalipat-lipat ang mga mata ng ilang agents kila Apollo at Veronica, pero wala akong pakialam. Dahil ang alam ko, hindi Agent 31 ang pakilala sa akin ng maganda naming bisita. Why, I just threatened her earlier that morning?

"Yeah, Apollo Torralba's my big brother," pagkukumpirma ni Veronica sa mga hinala ng lahat.

I really didn't care. Kahit dumating pa ang buong pamilya nila, bahala sila.

Xander motioned her to sit next to a female agent across me. Iniwasan kong magtama muli ang aming mga paningin at sa halip ay tumuon na lang sa unahan.

"The other team gave me their plan through Senior Agent 7 this morning before he left for the case he is currently working. So it's up to us now how we would back up the other team," Xander explained.

Wait. Something was wrong. It was Senior Agent 7's case too. Why left us suddenly for a brown coded case he was working? He was the one who summoned us there, then what? He left everything to us? It was a rule that a Senior Agent, regardless whether he/she was a District Head or not, should supervise a case the lower agents held. Nakalimutan niya ba 'yon?

Agent Night (Tagalog |  Complete)Where stories live. Discover now