Chapter 6 - Burnt Insignia

153 5 0
                                    

Bago pa man mapatay ni Justin ang makina, nakalabas na ako ng sasakyan. I was fuming!

Why on earth didn't they tell me that the evil brother of mine was also working on that goddamn case?! Why?!

Justin came out of his car and faced me. His handsome face was blank and I couldn't read any expression on it. Or was I just so upset?

"Huminahon ka nga!" Utos nya sa akin.

"Sino bang hihinahon sa napaka-awkward kong sitwasyon? Oh, please!"

"We don't know yet kung ano ang role rito ng Dominic na 'yon kaya 'wag ka ngang aburido diyan. Ilalaglag mo tayo, eh!"

Marahas akong bumuntong-hininga. Of course, it was possible that they would seek the help of Dominic in that case. It was homicide and he was an excellent police detective!

"What would I do now? Should I hide every time I see him? At tsaka you just said that you already met him. Then he probably knew you already. What will be your excuse if you meet this time? Tell him that you decided to change careers? That you decided it's better to be a college professor?" Hindi ko talaga mapigilan ang mag-alala. Paano pa ako makakagagalaw ng maayos niyan? Alam kong magtatagpo at magtatagpo kami ng kapatid ko.

"I'll tell him that he has a noisy, annoying and stupid little sister. Really, they made you the top second? Should I be happy now upon knowing that they made the wrong choice?"

I gritted my teeth because of what he said. So he would take it against me? Awesome. Annoyingly awesome.

"If you are that good like the old men are bragging and like what I believed, you should know by now how to deal with this type of situation. Hanapin mo nga ang logical reasoning mo nang hindi ka parang aligagang pusa diyan," sabi nito at iniwan na akong mag-isa.

"Maraming salamat sa advise, Kuya, ha! Proud talaga ako maging kapatid mo!" Sarkastiko kong pahabol. Wala akong pakialam kahit pagtinginan ako ng mga estudyante dahil sa ginawa ko. Nakakabwisit lang kasi dahil tama naman ang mga sinabi niya. Hindi iyon ang oras para mabahala.

Sumunod na akong pumasok sa college building. District Five enrolled me in AB Communication which was favorable for me since I graduated AB Development Communication. My documents for my 'transfer' were already settled. Ang pagpasok na lang at pagpapanggap ang kailangan namin. Syempre pati na rin ang pag-iimbestiga sa kaso.

Someone bumped the female student walking ahead me. Tumilapon ang mga dala nitong papel, pero hindi man lang huminto 'yung lalaking nakabunggo rito. Ang sama ng ugali!

Tinulungan ko 'yung estudyante sa pagsamsam ng mga nahulog niyang papel.

"Thank you," sabi nito ng iniabot ko ang mga papel.

"You're welcome," nakangiti kong tugon. Syempre, I had to act as a nice, polite transfer student. "Uhm, magtatanong lang din sana ako kung saan ang room 304?"

"Ah, nasa third floor. Liko ka sa kaliwa tas nasa dulo 'yun ng hallway sa kaliwang side," sagot nito sa tanong ko. "First year ka ba?"

Pilit naman akong tumawa. Pagkamalan ba naman akong first year. "Ay, hindi. Transferee ako."

"Ay, sorry." Tumawa rin siya sa pagkakamali niya. "Buti pa samahan na lang kita. Paakyat din naman ako sa fourth floor."

"Sige." Magkasabay kaming pumanhik ng hagdan.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong nito.

"Anicka Meneses," pagpapakilala ko. Apelido lang ang binago sa amin. Hindi namin kinailangan baguhin ang hitsura namin sa kasong ito. Ugali, pakikisama at apelido lang talaga. 'Normal self' nga, 'di ba?

Agent Night (Tagalog |  Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon