Chapter 02: ASDFGHJKL.

15.3K 285 25
                                    

Chapter 02: ASDFGHJKL.

-Zyannah's Pov-

HAHAHAHA OH TAPOS? ANONG SINABI NILA?” Tanong ni Josh sa akin na bestfriend and at the same time, childhood friend ko. Nandito kami ngayon sa bahay, bahay ni Tita Fe kung saan nakatira ako. Hindi kasi ako sa palace nakatira eh. Hello? Ang laki kaya ng mansiong iyon at sobrang lawak pa! Ayoko dun noh. Kaya simula 1st year hanggang ngayon, dito ako nakikitira sa bahay nina Tita Fe, kapatid ni mama.

Si Alexel Joshua or Josh ay dito rin nakatira. Hindi ko siya pinsan o ano man. Ampon lang kasi siya ni Tita Fe, pero parang pinsan ko na rin siya. Vaughn kasi ang last name niya, which is also my middle name. We’ve been friends since childhood. Almost 10 years na kaming magkakilala eh. 

So ayun na nga. Kinuwento ko yung nangyari kahapon sa restaurant. Ayun at tawang tawa naman siya. Kilala niya kasi sila Lizzy, Rhian, at Sharmz. Alam niyang kapag kasama ko ang mga bestfriends ko, parating may nangyayaring kalokohan o kahihiyan sa akin. Kanina pa niya ako kinukulit tapos pagtatawanan lang ako? Kaasar.

“Basta yun ang nangyari!” masungit at pasigaw kong sabi sa kanya. Wala kasi ako sa mood ngayon kaya sinusungitan ko nalang siya. Psh. Sanay naman siya sa ugali ko eh. Ilang taon naman kaming magkakilala eh. 

“Ay sungit naman neto. Hahaha." Eto nanaman po siya. Ganyan naman parati eh. Pinagtatawanan niya lang ako. Psh. Kung hindi ko lang 'to tinuturing na pinsan, malamang kanina ko pa 'to pinagsusuntok. Brutal ba? Hehe. Ganyan lang ako maglambing sa kanya.

Iniwan ko na siya dun. Pumasok ako ng room ko. Naligo at nagbihis. Paglabas ko ng room, allset na ako. Ready nang umalis.

“Oh san ka nanaman ba pupunta?” Si Kuya talaga. Parang kabute. Biglang susulpot? Psh.

 "Lalabas lang. Kasama ko naman sila Lizzy eh.”

“Ah yung mga baliw mong kaibigan? Pffft~  HAHAHA!”

  

Ayan nanaman siya. Mang-aasar nanaman. Psh. Bago pa ako makasagot, bigla na siyang tumakbo papasok ng room niya.  At ako naman? Ayun makikipagkita kina Lizzy sa isang Bar.  Ssssshhhh. Hindi to alam nina Josh at Tita. Haha First time ko tong gagawin kaya di ko alam kung magpapaalam pa ba ako o hindi na. Hmm. Bahala na. Hindi naman siguro nila malalaman yun  eh. Ngayon lang naman ito. Wala namang mangyayaring masama eh. Right?

***

Pagdating sa bar, agad naman kaming pumasok.

“Dun tayo oh! May vacant seats!” sabi ni Sharmz habang tinuturo yung isang table sa may di kalayuan sa amin. Grabe. As in Grabe. Ganito pala sa isang bar. Sobrang daming tao. Sobrang sikip pa dito. Ang dami pang sumasayaw sa dance floor at ang lakas pa ng music. Ang ingay ingay pa nila at from the look on their faces, malalaman mo na they’re really having fun. May nakita pa ako sa isang sulok na dalawang tao na grabe kung makipaghalikan sa isa’t isa.  Yuck! Kung mag motel na lang kaya sila? Inalis ko nalang ang tingin ko sa kanila. Baka makahalata pa eh at kung ano pa ang isipin.

The Devil + The Angel = Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon