Chapter 12: My New Seatmate

11.7K 224 25
                                    

CK, my labs! Haha! --->

Chapter 12: My New Seatmate

-Zyannah’s Pov-

“Gooood Morningggg!!” Masayang bati ko kina Lizzy. As usual, nandito nanaman kami sa garden ng school kasi kakaunti lang ang mga students na tumatambay dito. Ito ang favorite place naming lima eh.

“Oh! Bakit mukhang ang ganda ata ng mood ah?” Tanong naman ni Pia habang busy sa kasusulat ng kung anu-ano sa notebook niya. Ganyan naman talaga siya, kina-career ang pagiging Scholar, Kaya wag ka nang magtaka. Haha!

“Maybe something good happened.” Sabi naman ni Rhian.

“Ayieee! How’s your date with Ck?” Nakangiti namang tanong ni Lizzy. Yung malapad kong ngiti ay biglang naglaho pagkatapos niyang banggitin ang pangalan ng Devil na yun. Hindi naman siya ang dahilan kung ba’t masaya ako ngayon eh. Nakakabadtrip pa nga ang pangalan nun.

“Oh bakit naging ganyan na ang reaction mo?” Takang tanong naman ni Rhian.

“Ano bang nangyari?”

Hayst. Ang mga kaibigan ko talaga. Napaka-chismosa. Nasabi ko na ba sa inyo na ganito talaga ang mga ugali nila? Si Rhian na may pagka inosente, pero madaming crushes. Si Lizzy na isip bata pero sabi niya may naging serious relationship na rin daw dati pero di niya sinasabi kung sino, Si Pia naman na matalino at medyo tahimik lang pero mahilig din na tsismis, at si Sharmz na major talaga sa chikahan pero sa aming lima, siya ang may pinaka maraming BF. Pero kahit ganun, lahat naman kami ngayon ay single. Oh di ba? Saklap no? Sa ganda naming to? Ewan ko na lang kay Sharmz. Siguro may bagong boylet nanaman yun.

“Anyway, nasaan ba si Sharmz?” Pagche-change ko ng topic.

“Papunta na yun! So ano na? Magkwento ka naman!”

So ayun na nga. I told them the whole story. Simula dun sa 1st wish ni Devil. Kung anung nangyari sa ‘date’ daw namin ng Ck na yun. Kung paano ko nakita si Lemuelle sa airport, pati na din si Ck.

“What? Si Ck?” Putol ni Rhian sa sasabihin ko pa. Sabi ko nga ba. Basta ito talaga mahilig mang-interrupt eh. “Eh di ba nasa house niyo kahapon si CK, Lizzy?”

 

“Yes pero di ba nga may pinuntahan pa daw siya kaya na-late siya kahapon?” -Lizzy

“Huh? Teka, teka. Di ko kayo maintindihan.” Sabi ko naman na nakataas pa ang isang kamay na parang pinapatigil sila sa pagsasalita.

“Eh kasi di ba kahapon may party sa bahay namin di ba? Sayang nga at wala ka dun eh. Sa ating lima, ikaw lang ang absent. Haha Nanalo kasi sila kuya sa isang Dance Competition kaya may party. And since it was my brother’s party, normal lang na invited ang 10 prince o ang Royal Majesties. So ayun na nga. Na-late ng dating si Ck kasi daw may pinuntahan pa siya.” Mahabang kwento naman ni Lizzy.

The Devil + The Angel = Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon