CHAPTER 41: Hi, Classmate.

6.4K 169 28
                                    

Welcome back sa akin sa TDTAL. I'm sorry kung natagalan ang pag-update ko. Pero here I am with all my heart, I hope you understand~ Lalala~ Kinanta na. :D Pero seryoso, sorry kung natagalan pag-update ko. New Year's Resolution ko pa naman yung dapat sipagin na akong mag-update. Hahaha!

 

Oh! By the way, yung timeline po sa story na 'to ay magkaiba sa time ngayon. Meaning... November palang dito sa story. Ay, basta ganun po! :D

Eto na po. Enjoy reading. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 41: Hi, Classmate.

 

 

-Zyannah's Pov-

 

 

Days had passed after that incident. Sinugod rin ako sa hospital ng school that day, pero ngayon maayos naman ako. Sobrang nag-alala pa nga sakin si Josh pero buti nalang at napigilan ko siya bago pa niya sinugod yung mga taong nanakit sakin. Alam na ng buong school ang nangyari kaya di ko alam kung paano makikitungo sa ibang mga tao sa school. Merong naniwala sa mga sinabi nila Miss Piggy pero meron rin namang hindi naniniwala. Nakakaewan naman kasi. Wala akong ginagawang masama sa kanila, pero sila yung lapit nang lapit at nakikigulo. What a life.

"Yannie, susunduin ka daw ni Lem mamaya." biglang sabi sa akin ni Rhian habang nagbabasa kami sa library. Sinamahan namin si Pia dahil bukas na ang Grand Quiz Bee at kelangan na talaga niyang magreview.

"Si Lem? Bakit daw?" Alanganing tanong ko.

Simula nung insidenteng iyon, hindi na ako iniiwan ni Lem. Parati siyang nanjan sa tabi ko. Nawawala lang siya kapag kelangan at kapag may dapat pa siyang gagawin. Gusto ko siyang ipagtulakan palayo kaso alam kong masasaktan lang siya. Ayokong gawin sa kanya yung ginawa sa akin ni Kent.

"Ilang araw na rin ang nakalipas pero pansin ko tulala ka pa rin, Yannie." puna sa akin ni Rhian. "As usual, ihahatid ka niya pauwi."

Tatlo lang kami dito dahil sina Lizzy at Sharmz ay.. well, hanggang ngayon ay nasa detention parin sila. Every afternoon, kelangan nilang mag-Community Service. Hindi lang naman sila ang na-Detention kundi pati na rin sina Miss Piggy at ang iba pang involved sa nangyari dati.

"Kelan ba matatapos ang paghihirap nina Lizzy? Wala naman silang kasalanan ah. Dapat nga ako--"

 

"Wag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan."

 

"Pero dahil sakin kaya nila sinugod yung mga umaway sakin." Yep. I never expected that to happen.

Nung hapong iyon, nagising na lang ako sa loob ng Hospital ng academy. I was with Lem, Rhian, and Pia that time. Nalaman ko nalang na nahimatay pala ako pagkatapos sinagot ni Kent yung tanong ko. Napakahina ko talaga kahit kelan. When I asked them kung saan sila Lizzy and Sharmz, nagulat ako dahil nasa office daw sila together with the others.

The Devil + The Angel = Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon