CHAPTER 34: Mr. Tss & Ms. Psh

8.9K 206 57
                                    

Part 1 palang po 'to.

#=#=#=#=#=#

CHAPTER 34: Mr. Tss & Ms. Psh

[Zyannah’s POV]

“Anong ginagawa mo dito?!” Isang malakas at di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Dapat ba akong matuwa kasi nandito siya o mapahiya dahil sa nangyari sa akin? Tinignan niya lang ako at yung cashier naman napatulala lang rin kay Devil.

Nakakahiya! Sa dami-daming tao dito sa mundong ibabaw, bakit siya pa? Bakit siya pa yung nandito ngayon? Ang engot ko rin naman kasi! Bakit di ko naisip na naiwan ko yung wallet ko?! Out of frustration, nagwalk out ako. Bahala na si Devil jan. Psh. Kaasar. Baka kung ano nanamang sasabihin nito.

“Tss. Hey!” Tawag niya sakin. Hindi pa naman ako nakalabas ng store. Malapit na ako sa door nung nahabol niya ako.

“Ano?! Pagtatawanan mo nanaman ako? Psh!”

“Tss. Makakalimutin ka nga.”

“Oo na! Ako na yung makakalimutin! Pero kahit na! Wallet lang naman yung nakalimutan ko. Psh.”

“Talaga?” Ayan nanaman siya sa mapanlokong ngiti niya. “Talaga bang wallet lang ang nakalimutan mo?”

“Oo naman! Ano pa ba ang—“

Napatigil naman ako sa pagsasalita nang inangat niya yung dalawang celophane na puno ng pagkain  na binili ko kanina. Oops. 

“Hahahaha. Kinalimutan mo atang sa’yo ‘to diba?” He’s still laughing. Hindi nalang ako nagsalita kasi alam kong napahiya ako dun. Kasalanan ko bang nawala sa isip ko yung mga pinamili ko?! Psh. 

Paglabas namin, kukunin ko na sana sa kanya yung mga pinamili, pero hindi pa niya binibigay. Ayoko namang agawin lang bigla kasi nakakahiya. Siya pa naman yung nagbayad kanina.

“Get in the car.”

“Ha?” Pinagsasabi nito? 

“Hindi ka na nga makakalimutin, bingi ka pa.” Ayan nanaman siya sa pang-aasar niya.

“Bakit ako sasakay sa kotse mo? Ayoko nga.”

The Devil + The Angel = Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon