CHAPTER 40: Why?

7.2K 180 100
                                    

Hindi ko inaasahan yung mga comments sa previous chap. Hala sorry naman po. Umiyak talaga? Huweh? Hindi naman nakaka T__T yun ah? XD Ahem. Dedicated po pala kay Angel, sa OP ni Zyannah. Habang binabasa po kasi niya yan, kausap namin siya sa phone together with Sabrine's OP tapos di ko inaasahang iiyak siya O_O XD Tinawanan nalang namin. Nyahaha.

 

Don't worry, kung nakaka T_T yung previous chap, eto naman nakaka...ewan. *u*

 

Click the multimedia at the right kung gusto niyong makinig sa music while reading this. Paulit-ulitin niyo lang yun hanggang sa matapos ang chap na to, promise di ka magsisisi. Mwahaha. Read well. :*

~~~

CHAPTER 40: Why?

-Zyannah's Pov-

Tawa ako nang tawa sa nangyari nung party. Promise. Sobrang saya ko to the point na naiyak na pala ako. Hindi ko inaasahang maluluha ako dahil sa masayang party na 'yun. Nag enjoy ako, sobra. Kaso di ko inaasahan na... sasakit nanaman ulit yung paa ko.

JUST WHAT THE HELL IS WRONG WITH HIM?! Bakit ganon? Bakit? Hahaha. Ang hirap intindihin ng mga lalaki no? Napakaewan nila, sobra. Tawa lang ako nang tawa hanggang sa nilapitan ako ng mga kaibigan ko.

"Bessy, ba't siya umalis?"

"Bakit yun ang nasabi niya?"

"Bakit ganun siya kanina?"

"Bakit--"

Ang dami nilang tanong, pero ngumiti nalang ako at sinabing, "Okay lang ako."

 

Sabay naman silang napailing at sinabing, "Eh bakit ka umiiyak?"

Boom. Umiiyak nga ba talaga ako? Hindi naman ah! Hahaha. I looked at Lem, and he's just staring back at me. Halata sa mukha niya, at sa mukha ng mga kaibigan ko ang concern. Ngumiti nalang ulit ako at umalis sa lugar na yun. Patakbo akong umalis habang hawak yung bracelet na ibinabalik na niya sakin.

Ang sakit sakit na... ng paa ko. Ganito nalang ba parati?

***

Three days had passed at pasukan nanaman ulit. Yung nangyari noon sa fieldtrip ay usap-usapan nanaman sa buong school. Ewan ko ba kung bakit ginagawa talaga nilang big deal ang nangyaring iyon. Balita ko nga, suspended sa klase sina Andrea, kaya pala di ko siya nakikita.

"Tatayo ka nanaman jan sa kinauupuan mo kasi nakikita mong pinagtitinginan ka ng mga tao?" Sabi ni Sharmz habang prente siyang nakaupo dito ngayon sa canteen. Kasama ko rin si Rhian. Si Lizzy busy sa photography club samantalanag busy naman sa pagrereview si Pia.

"Nakakainis naman kasi. Ano bang big deal sa nangyari noon sa fieldtrip? Bakit ganun nalang sila kung makapagreact? Wala namang big deal doon diba?"

The Devil + The Angel = Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon