Chapter 09: The Dare

11.4K 220 20
                                    

Oh ayan! Si Prince CK ulit :P  ----->

Chapter 09: The Dare

 

 -Zyannah's Pov-

After that incident, hindi ko na siya muling nakita pa. Pagkatapos ko siyang itulak, nagmadali na akong lumabas ng room na yun at tumakbo papalayo dun. Siya naman? Hindi ko alam kung anong ginawa niya pagkatapos nun. Hinanap ba niya ako? O hindi? I don’t know why, but I’m just… curious. Aaargghhhh! I must be crazy!

Then suddenly, the room fell silent.  Pumasok ang The Royal Majesties. Pero wala siya.  But…I was wrong. My heart skipped a bit when I saw him walking towards me. Napayuko na lang ako at itinuloy ang sinusulat ko kanina. Hindi ko siya pinansin, at ganun din siya. Hihintayin ko nalang siyang umupo sa upuan niya, dito sa tabi ko. Seatmate ko siya eh.

Pero wala pa ring dumadating na CK sa harap ko. Pag angat ko ng ulo ko, wala siya. Napalingon ako sa likuran ko and saw him sitting there silently. Katabi niya ang ibang TRM (The Royal Majesties)…  I thought katabi ko siya? Oh well. Bahala siya sa buhay niya.

Dumating na si Sir at nagstart na ang lecture nang wala akong katabi.

“Okay class. By partner. Magkakaroon tayo ng quiz. 10 items lang naman ang quiz, pero medyo mahirap iyon. I’ll choose your partner, alphabetically and alternately.” Then he started calling out names.

“Atienza and Avancilla.”

Ah. So, boy-Girl pala? Tsk.

“Ayloncio and Balez.”

“Buenavista and Cordova.”

 

“Corpuz and Dela Cruz.”

 

“Diaz and Evans.”

And so on, and so forth.

Tapos….

“Fuentez and Gizon.”

Oh ako na. Hmmm. Sino kaya ang partner ko? Sino yung Fuentez?

Tumingin ako sa paligid, para malaman kung sino yung Fuentez na yun, pero bakit lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin ngayon? Ay ewan. Basta familiar yung Fuentez eh. Natapos nang banggitin ni sir ang lahat pero di ko pa rin alam kung sino ang partner ko.

“Okay class, pumunta na kayo sa mga partners niyo.”

“Umm sir?” I raise my hand.

“Yes, Ms. Gizon?”

The Devil + The Angel = Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon