CHAPTER 33: The Ersh Magazine

9.5K 205 58
                                    

Hindi ko alam kung bitin ba ito o hindi, pero yan lang ang nakayanan ko. Anyway highway, kayo na bahala kung maghihintay kayo sa mabagal at pagong na update ni author. Sadyang busy po kasi akong tao eh. Pero wag mag-alala, babawi naman ako. Tapos, hahahahaha... Yung update na ito, pagpasensyahan na ah? Rush po kasi! XD

 

 

Sabrine Nicole Perez, at the right. ------>

#=#=#=#=#=#

CHAPTER 33: The Ersh Magazine



[Zyannah’s POV]

One Week.

One week na rin ang nakalipas since nangyari yung ‘ganun’ sa VF Island. I am now physically fine, mentally drained dahil sa paparating na exams, and emotionally confused. LMAO. Merong ganun? :P

One week na ang lumipas pero walang nagbago. Ay joke. Madaming nagbago. Una, yung mga kaibigan ko, mas lalong naging baliw. Si Rhian, may new friend at parati pa niyang katext. Si Sharmz, mukhang nauubusan ng lalaki kaya parating badmood. Si Lizzy, mukhang may iniiwasang tao kaya minsan di na siya sumasabay sa amin maglunch. At si Pia, nagiging busy na ata sa school activities kasi scholar siya. 

Pangalawa, si Lemuelle. Pagkatapos nung pag-uusap namin dati, minsan na lang kaming nagkikita. Sa classroom, minsan lang kami magpansinan di gaya dati. Ewan ko ba pero mukhang iniiwasan niya ako. 

Pangatlo, Si Sabrine and Devil. Hindi ko na nakikita si Sabrine na pumupunta sa school tuwing dismissal sa hapon, di gaya dati. Di ko na rin sila nakikitang nag-uusap sa facebook ni Devil. Hindi naman sa stlaker ako ah, pero napapansin kong nag-aaway sila. Si Devil naman, ano.. Kinukulit niya ako sa Facebook, pero sa personal, hindi kami nagpapansinan. =___=

Sa sarili ko? Medyo walang pinagbago. Ano lang, mas lalo lang akong ginugulo ng ibang mga tao minsan. Kagaya ngayon. Naglalakad ako mag-isa sa hallway papunta sa classroom, tapos pinagtitinginan nila ako. Naririnig ko pa yung mga pinag-uusapan nila.

“Yan yung karibal ni Ms. Sabrine?”

“Yung nagustuhan ni Prince Ck?”

“Naging gf daw ni Prince Ck yan e.”

“Hindi, Pinilit daw niya si Prince Ck na maging sila.”

“Sshhh Hinayaan niyo nga boses niyo..”

Ewan ko ba kung tanga sila o nagtatanga-tangahan lang. Obvious naman po kasi na nilalakasan nila yung mga boses nila. Psh. Ganyan sila kapag mag-isa lang ako. Pero kapag kasama ko yung apat, nananahimik sila. Psh.

Pagpasok ko ng room, nagulat ako dahil lahat sila tahimik at parang may binabasa. I mean, nakayuko lang kasi sila tapos mukhang busy. Ay baka nagrereview! *u* May long quiz kasi kami mamaya eh! Pagtingin ko dun sa apat, ganun din sila. Ni hindi nga nila napansin na dumating ako eh. Umagang umaga, busy sila. Bakit kaya? Wala rin naman yung TRM ah, pati si Lemuelle.

The Devil + The Angel = Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon