Nagmamagandang Note:
Hi! Just drop by to say thank you at binabasa mo 'tong kasabawan ng aking utak. Haha. Medyo dramatic ang nagiging updates ko. Bitin pa. Please bear with me guys. I owe you a lot po. ♥
I need comments guys. Yung marami. Chos! XD
Mark's POV
"Hijo, pasensya na, ginawa na namin lahat ng magagawa namin pero hindi na kinaya ng iyong ina. Wala na ang nanay mo." sinserong pahayag ng doctor.
"Doc naman, wag nga po kayong magbiro ng ganyan. Malakas pa po ang nanay, tulog lang po siya. Ikaw naman makawala ka doc wagas. Hindi pa p-patay ang nanay ko.." my voice broke.
"Magpakatatag ka hijo. Mauuna na ako at marami pang pasyente ang aking titignan. Nasa loob lang ang nanay mo. Puntahan mo siya." tinap niya ako sa balikat at lumakad na palayo.
Bakit? Paano? Kanina lang ang saya-saya naming kasama si Akira. Ang aliwalas ng mukha ni nanay. Walang patid ang pagngiti niya sa tuwing kausap si Akira. Kanina..
Huli na pala iyon.. Hindi ko na muli pang masisilayan ang mga ngiti niya.
Nagtatalo ang isip ko kung papasok ba ako o hindi. Pipihitin ko na sana ang seradura pero lalo lang akong nanginig. Hindi ko kaya.. Hindi ko kayang makita si nanay sa ganitong sitwasyon.
Pero kailangan ko siyang harapin. Kailangan kong tanggapin na.. na.. na wala na siya.
Mariin akong pumikit at tumuloy sa silid.
Nasilayan ko ang isang taong napakabuti at napakahalaga sa buhay ko na ngayon ay nakaratay at nakatalukbong ng puting tela. Hindi ko maiwasang balikan ang mga alaala namin ng nanay noong siya ay nabubuhay.
"Anak, anuman ang mangyari may dahilan palagi ang Diyos. Hinding hindi Siya gagawa ng bagay na hindi kayang solusyonan ng tao." pangaral niya sa tulad kong musmos pa lamang.
"Opo nanay, tatandaan ko po iyan."
"Nanay ano pong dahilan Niya?" nanginginig ang kamay ko na inilapit sa puting telang nagkukubli sa aking nanay.
"Nanay, pwede po ba iyong nalulungkot ka tapos masaya ka rin?" tanung ko.
"Oo naman anak, may mga bagay talaga o pangyayaring magpaparamdam sa atin ng halo-halong emosyon. Tulad ng pagkamatay ng tatay mo. Alam mo ba anak, lungkot na lungkot ang nanay noon. Pero kung iisipin mo dapat masaya ako. Kasi kapiling na ng tatay mo ang Maylikha. Hindi na siya mahihirapan sa iniinda niyang sakit. Oh, mag-hi ka kay tatay sa heaven. Pinapanood niya tayo."
"Hi tatay! Nakikita mo raw kami sabi ni nanay. Miss ka na po namin. Mahal na mahal po kita. At syempre pati ni nanay!" niyakap at hinalikan ni nanay ang ulo ko.
Natanggal ko na ang puting tela at sa huling pagkakataon nasilayan ko ang mapayapang mukha ng taong hinahangaan at pinakamamahal ko.
Hindi ko na napigil ang emosyon ko at tuluyan na akong napayakap at napahagulgol sa malamig niyang katawan.
"Nanay Ana! Gumising po kayo. Wag naman kayong magbiro. Sorry na, sorry na sa pagiging matigas ng ulo ko. Sorry po kung nagiging pasaway ako. Nanay please gumising kayo. Kailangan ko po kayo. Hindi ko pa kaya.. Hindi ko po kaya ng wala kayo... Nanay..please.."
Ang sakit mawalan ng ina. Nang isang mabait at mapagmahal na ina. Mahal na mahal ko siya... hindi ko kayang wala siya. Parang hindi ko kayang harapin ang bawat bukas kung wala siya sa tabi ko..
Nilisan ko ang silid at agad nagtungo sa chapel sa loob ng ospital.
"Anak, kung mawawala ako ngayon anong gagawin mo?" tanung ni nanay bago kami matulog may dalawang buwan na ang nakararaan.
YOU ARE READING
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
RandomWill you still believe in forever even the world says don't?