I don't know where I belong
But I'll be moving on
If you don't, if you won'tListen to the song here in my heart
A melody I start but I will completeOh, now I'm done believing you
You don't know what I'm feeling
I'm more than what you made of me
I followed the voice you think you gave to me
But now I've gotta find my own, my own..Nagising ako sa salin ng awitin ni Beyoncé. Idol ko yan! Magkalevel kami ng voice, mind you. FEELER! HAHA! Wag nga kayo!
Inabot ko ang phone ko sa gilid ng unan ko at nakitang 6:30 pa lang ng umaga. Ang aga pa! Tulog muna ko!
"Anak! Bumangon ka na diyan late ka na sa date mo!" napatayo naman agad ako sa sigaw ni nanay. Ano raw? Anong date na sinasabi niya? Hmm..
OH SHEMS MGA BEBE!
Takbo agad ako sa cr para maligo. Gosh, how can I forget it?
Good Evening Akira! 7 am alis na tayo bukas ha! Sige bye good night! :*
Para tuloy akong si Flash sa bilis. Habang nagbibihis nakarinig naman ako ng pagpark ng kotse sa harap ng bahay namin. Malamang nandiyan na si Mike.
Naghanap ako ng maisusuot.
Hanap, hanap, hagis, hagis, hanap hanap. Hala ka, mauubos na damit ko wala pa akong makita na maganda. Huhu. Maghuhubad na nga lang ako. Djk! Tawa tayo HAHA!
"Anak bili- para namang niraid dito sa kwarto mo anak!" nakapasok na pala si nanay. Eh, sa wala talaga akong mapili eh.
"Nay, ikaw nga pumili dyan. Parang nigla kasing pumangit saken ang mga yan eh." pinagtuturo ko yung damit na nakabalandra sa kama.
Umiiling na naghanap naman agad si Nanay. Nakakita siya ng black shirt at magjeans na lang daw ako. Black shirt para magkaroon daw ng illusion na payat. Huhu. Ako na mataba. Dali-dali ko namang sinuot ang binigay ni Nanay. Nauna na rin siyang bumaba.
Lumabas na ako ng kwarto at sakto nakasaby ko si Aldrich.
"Good Morning Akira!" Bati niya, nagpupunas pa ng muta. Bakit ang gwapo pa rin niya?
Sumabay na siya saken sa pagbaba. Natanaw ko naman agad si Mike. Tumayo siya once nakita niya ako. Ganitong ganito yung mga nanliligaw sa Teleserye. Ang kaibahan lang sa akin gagala lang kami sa mall. Ang taray ba ng preparations? Mall lang naman pupunta.
Umiba naman siya ng tingin. Sinundan ko at tama nga, nagtititigan sila ng masama ni Aldrich.
Hmm, anong meron? Bumaling na ulit ako ng tingin kay Mike na saktong nakatingin na rin sa akin na may malawak na ngiti.
Bumaba na ako at nagpaalam kay nanay. Dito na ako sa likod ng kotse niya pumwesto.
"Saan ba tayo pupunta?" pagtatanong ko.
"Secret. Relax ka lang, mahaba pa ang biyahe kaya matulog ka muna." secret pa siya. Sa mall lang naman. Hmp.
"Ok." may pa-secret-secret pa siyang nalalaman! Pasalamat siya inaantok talaga ako! Hmp!
***
"Hey Akira, wake up, we're already here."
Hmm, bumaba na rin ako ng kotse. WOW! As in bongga! Understatement pa nga yata yan? Nasa boracay ba kami? Ang daming boylet. Haha!
Meron ding nagtatampisaw sa dagat, naghahabulan, may mga magkakaibigan na naguusap. Siyempre mga tomador. Hmm, ambango ng iniihaw doon. PG ALERT! WAANG WAANG WAANG!
BINABASA MO ANG
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
RandomWill you still believe in forever even the world says don't?