Akira's POV
Grabe lang nung umuwi kami ni Mike nung linggo, katakot takot na pambubully ang nareceive ko mula kila nanay! HAHA!
Syempre naman hindi ko sinabi yung kissing parts no! Edi naloka sila nanay niyan HAHAHA!
Wednesday na pero feeling ko para pa ring Lunes. Aral mode na naman! Katamad! Huhu T_T
Kahit na talagang todo bigay ako sa pag-aaral, tinatamaan pa rin naman ako ng katamaran tulad ng ibang estudyante. May mga guro kasi na OA magpa-report, magpa-exam at siyempre magpa-QUIZ.
Tipong biglaan at kung minsan mas mahaba pa sa Peridical Exam! Ugh.
Pero I am doing this for my parents and to prove myself to everybody that even I'm a gay, an ugly fat gay, I still deserve to be treated as human. That I also have the capability to rise and shine like a star.
Shine bright like a diamond! ♥
Papasok na ako ng school gate ng matanaw ko si Mike. Kasama niya rin ang mga tropa niya.
"Good morning Mike!!" bati ko sa kanya habang tumatakbo. Hinahabol ko pa ang hininga ko ng makalapit ako..
"Whoooa, feeling close ka na ngayon baklang panget!! Haha!" sabi nung isang niyang tropa.
"Hindi kaya, friends na kami ni Mike bleeh! Diba Mike?" nakangiti kong sabi at tanung kay Mike.
"Ahh.. ehhh.." Mike.
"Ulol ka baklang mataba, kelan ka pa naging kaibigan ni Mike?! Asa ka pa. Layo layo rin pag may time." sabi pa nung isa.
"Pero.. pero.. diba M-mike?!"
"Hahaha!! Tama sila, hindi ako makikipagkaibigan sa tulad mo no!! Pangit ka na mataba ka pa!! Worst bakla pa. Wag kang mag-assume.. Hahaha!" yan ang sinabi niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Tinitigan ko siya sa mata pero, expressionless. Tama ba yung narinig ko?
Ouch!
Akala ko ok na kami?
Nagkaayos na kami diba?
Okay na ba talaga ako sa kanya?
Sabi niya hindi na niya ako hahayaang masaktan at mainsulto pa ulit?
Bakit ganito ang nangyayari? Masakit marinig mismo ang mga salitang iyon sa mga bibig niya.
Akala ko magkaibigan na kami?
Akala ko lang pala lahat ng iyon. Kahit kailan walang taong mag-aaksayang pagtuunan ako ng pansin. Para saan yung halik? Akala ko espesyal ako sa kanya. Haaay, akala na naman. What do I expect from the word 'akala'? From now on, hindi na nageexist sa mundo ko ang salitang yon.
Nag-unahan ang mga luha ko sa pagbagsak. Ang sakit talaga. Para akong tinarakan ng kutsilyo sa dibdib. Bakit ba ang malas ko? Bago ako tuluyang umalis tinitigan ko muli si Mike, para man lang sa huling pagkikita naming ito matitigan ko pa siya. Bakit ganun, anong ipinararating ng mga titig niya?
Nalulungkot din ba siya? Umiwas siya ng tingin at nagsimula na akong humakbang palayo. Palayo sa sakit.
Kusang narating ng mga paa ko ang garden dito sa school. Alam na alam na siguro ng mga ito kung saan ako dapat tumungo kapag may dinaramdam.
Heto na naman, dama ko na naman ang pakiramdam mag-isa. Napahagulgol na ako ng sobra. Bakit Mike? Ano bang akala mo sakin? Laruan? Na pagtapos gamitin, iiwanan at itatapon kung saan mo gusto? Ang malas ko talaga. Malas!
BINABASA MO ANG
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
RandomWill you still believe in forever even the world says don't?