"Sige na Mike gabi na rin. Uwi ka na ha. Salamat ulit sa paghatid ha?" sabi ko kay Mike.
"Uhm, may kapalit yun." sabi niya na ngingiti-ngiti pa. Ako naman napatingin maigi sa kanya na nagtataka.
"Ha?!"
"Goodbye kiss muna." nagpout pa siya. Aaminin kong gwapo naman talaga 'to eh. Hindi ko lang talaga naiisip na magiging close siya sa akin. Sino ba naman ang tulad ko di ba? Kuko lang niya ako. Nilalait ko na sarili ko haha.
"Ayun lang pala." lapit agad ako sa kanya. Siya naman nakangiti tapos nakapout. Papalapit na ako ng pumikit na siya..
"Joke lang whahaha woooh ~ byeeee. Thanks ulit Mike! Hahaha" ayun tumakbo na ako papasok ng bahay. Nakakatuwa talaga. XD Kapal ng mukha ko magbiro ano? Ihh. Ayoko pa ibigay ang first kiss ko. Old-school pa rin naman ako.
Sinilip ko pa siya sa bintana pero wala na akong naabutan. Hay Mike. Ginugulo mo buhay ko.
"Hoy!"
"Ay kalabaw na malaki ang toot toot." Sigaw ko. Grabe naman to si Nanay eh. Makapanggulat masyado. "Nay naman eh." pagmamaktol ko.
"Eh ikaw anong tinitingin tingin mo diyan? Nakita kitang lumabas sa kotse tapos lalaki pa kasama mo. Sino yun anak?" mahinahon na tanong ni Nanay. Lakas talaga ng radar, oo. Naamoy pa ang anak niya na naglalandi. Hihihi.
"A-ah s-si ano p-po yun Nay, si M-mike po!!" hala ka napasigaw pa ako bigla. Nag-iinit na rin yung mukha ko kaya yumuko ako. Naramdaman ko naman na umupo si Nanay sa gilid ko.
"Anak, alam kong marami ka ng pinagdaanan kaya ganyan ang nararamdaman mo kapag may nakapaligid sayo. Mahal kita at alam mong tanggap kita kung ano ka pa. Kaya kapag may bumabagabag sayo wag kang matakot na lumapit kay Nanay ha." Niyakap pa ako ni Nanay.
"Ang swerte ko talaga sa inyo ni Tatay, Nay. Mahal na mahal ko po kayo." may tumulong luha sa mga mata ko. Tears of joy. Nakakatuwa na may mga magulang na tanggap ang kasarian ng anak nila. Sa panahon kasi ngayon bilang lang ang pamilya na tanggap nila ng buo ang anak nilang napapabilang sa 3rd sex. Maswerte ako at ibinigay sila sa akin. Thank you po Bro!
"Mas swerte kami saiyo ng Tatay mo anak. Aba, binigyan kami ng masipag, matalino, mapagmahal at siyempre magandang anak. Siya, magpalit ka na at kakain na tayo. Tawagin mo na rin ang Tatay mo, maghahain lang ako." utos ni Nanay. Sus, nambola pa. Ako? Maganda? Utut. Nanay ko talaga siya. XD
"Sige po Nay.."
Akyat, bihis, tawag tatay.
Punta kusina. Kain. Kain. Kain.
*kring*
Tumunog ang telepono namin. Yep, may telephone kami. Kahit na average lang ang pamumuhay namin hindi naman papayag ang magulang ko na ganun na lang. Kaya raw sila kumakayod ay para maibigay ang lahat sa amin. Kaya naman wala kaming sinasayang ni kuya. Tumayo na si Nanay at siya ang kumausap sa telepono. Pinagmasdan ko lang si nanay habang kausap niya yung tumawag. After 5mins. bumalik na rin si nanay..
"Nay, sino daw po iyong tumawag?" tanong ko.
"Ah, wala yun anak kumare ko lang. May ipinaalam lang sa akin ^____^" Ang weird naman ni Nanay, bakit ang lawak ng ngiti niya. Feeling ko talaga hindi niya kumare niya eh. Di ko naman mapilit baka mapagalitan pa ko.
After kumain siyempre naghugas ako at pagkatapos umakyat na rin ako. Pero natigilan ako noong may tumawag sa akin.
"Kuya.."
BINABASA MO ANG
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
RandomWill you still believe in forever even the world says don't?