"Hoy, saan tayo pupunta? Parang lumihis tayo ah."
Imbes na sagutin ang tanong ko ay tinawanan lang ako nina Gale at Zuie. Napa-iling nalang ako dahil alam ko naman na kung saan nila ako dadalhin.
Isang linggo rin akong nasa bahay lang. Iyon kasi ang ibinilin ng doktor at ni Coach.
Para raw maipahinga ko ang balikat ko pati na rin ang isip ko. Isang linggong pahinga sa bahay pero tatlong linggo akong hindi pwedeng magtraining.
Naranasan ko nang ma-injure noon kaya hindi na bago sa 'kin kung hindi ako makapagtraining.
Huminto kami sa Roses Xaxa Bar kaya natawa na ko. Nginisian lang ako ng dalawa bago kami bumaba.
Sa dorm dapat nila ako ihahatid dahil tapos na ang isang linggong pahinga ko. Kailangan ko nang pumasok sa klase.
Pero itong dalawa na imbes ihatid ako sa dorm ay dinala ako sa bar.
Sinabi na nila ito sa 'kin no'ng isang araw. Magbabar daw kami at this time, ako naman daw ang magpakalasing.
Ang good influence nila. Grabe.
"Hi, guys."
Napangiti ako. "Captain!"
Nakangiting ginulo niya ang buhok ko. "Na-miss kita, Captain."
"Ha?"
"N-na-miss ka ng buong team," aniya bago tumikhim.
Zuie fake a cough tapos ay inakbayan ako. "Tara na sa loob."
"Na-miss ko rin ang buong team, Captain," sabi ko bago ako tuluyang mahatak ni Zuie sa loob.
"Atleast kasama ka 'ron," dinig kong sabi ni Gale.
Nag-okupa si Zuie ng private room. Um-order din siya ng dalawang bucket at ilang pagkain.
"Bakit ka nga pala sumama, Captain?" tanong ko. "Pero huwag mong masamain..."
"Ako nag-aya sa kanya. Ayaw mo ba?" Nagsimula nang magbukas ng bote si Gale.
"Hindi naman. Pero, sira ka ba? Alam mo namang busy si Captain."
Tumikhim si Captain. "It's okay. Gusto ko rin mag-unwind."
"Ahh, okay."
Nagsimula na kaming uminom. Isang bote lang ang hawak nila na paunti-unti lang nilang iniinom. Ako ay nakakadalawang bote na.
Minsan lang ako malasing pero hindi pa iyon lasing na lasing dahil aaminin ko, natatakot ako. Baka kasi maging katulad ako ni Papa tuwing lasing siya.
Natatakot ako na baka masaktan ko si Zuie o si Gale o kahit sino nang hindi ko namamalayan.
Pero ngayong gabi, gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak. Susubukan ko ang sarili ko.
Papatunayan ko kina Lola at Tita Georgia na hindi kami nagmana kay Papa, na iba kami sa kaniya.
"Hello?"
Napasulyap ako kay Zuie nang magsagot siya ng tawag. Sumulyap din siya sa 'kin tapos ay inabot ang phone niya.
"Si Mamay?" tanong ko na sinagot niya ng iling.
Kinuha ko ang phone niya at tinignan ang caller ID. Napakunot nalang ang noo ko.
"Sino iyan?" tanong ni Gale.
"Si Jaffy," sagot ni Zuie.
Tinakpan ko ang speaker ng phone. "Bakit daw?"
Zuie shrugged. "Kausapin ka raw eh."
I sighed. Tinapat ko sa tainga ko ang phone.
"Hello."
YOU ARE READING
Gawa sa Rattan
RomanceThis is a sports-romance story where Peitha 'the ace' Altamirano of arnis team and Jusffer Troilus 'the great' Mijares of sepak takraw team join forces.