"Ma'am?"
Sigurado akong nawi-weirduhan na sa 'kin ang sales lady pero hindi ko makontrol ang sarili ko.
Parang umiikot ang paningin ko at kahit malamig ay nagsisimula na kong pagpawisan.
"Ma'am, okay ka lang?"
Bakit ba ko nandito? Kapag pumupunta ako sa mall lagi kong iniiwasan makita ang mga ito.
Ilang beses akong lumunok para pakalmahin ang sarili ko. Gusto ko nang umalis pero tanging paunti-unting hakbang paatras lang ang nagagawa ko.
Biglang may nagtakip ng mga mata ko at narinig ko nalang ang paghabol ng hininga ni Mijares.
"Okay lang po siya, Miss," narinig kong sabi niya sa saleslady.
Hinawakan niya ko sa braso habang nakatakip pa rin sa mata ko ang kamay niya. Dahan-dahan kaming naglakad palayo.
"Master, sorry... sorry talaga. Hindi ko alam kung bakit bigla kang nawala. Sorry talaga. Dapat hindi kita dinala ro'n. Sorry, Master..."
Panay ang paghingi niya ng tawad sa tainga ko hanggang sa huminto na kami. Napatingin ako sa kanya. Puno ng pag-aalala at pagsisisi ang mga mata niya.
"Sorry... Sorry talaga..."
Dahan-dahan akong tumango. "Okay lang. Salamat sa pag-alis sa 'kin do'n."
"Hindi, huwag kang magpasalamat. Kasalanan ko kaya ka napunta ro'n. Sorry..."
"Sinabi sa 'yo ni Zuie?"
Napayuko siya tapos ay tumango. Napa-iwas naman ako ng tingin.
"Ano... tara na?"
Tumango siya tapos ay umangkla sa braso ko. "Para hindi ka na mawala."
Hindi kami umuwi sa school bagkus ay dumiretso kami pauwi. Sabi niya ay sa bahay na raw ako matulog. Ihahatid nalang daw niya bukas iyong mga gamit ko.
Linggo naman bukas kaya pumayag na ko.
Imbes na magtricycle ay nag-aya siyang maglakad nalang. Malayo-layo rin ang lalakarin namin pero pumayag nalang din ako kaysa makipagtalo.
"May pamasahe ka pa ba pabalik sa dorm?"
Tinanggal niya ang lollipop sa bibig, nakuha namin iyan kapalit ng tickets sa arcade. "Hindi porket hindi tayo nagtricycle, wala na kong pera. Gusto ko lang maglakad tayo pampababa sa kinain nating pares at saka para makapagkwentuhan na rin."
"Sabi mo eh."
Nilipat ko sa kabilang pisngi ko ang lollipop ko bago namulsa sa sweatpants ko.
Alas syete na ng gabi. Madilim na pero may ilaw naman sa mga poste na nagbibigay liwanag sa daanan.
Malamig ang hangin dahil Marso na. Kahit naka-tshirt lang ako ay hindi ko naman ramdam ang lamig dahil sa katabi kong dikit na dikit sa 'kin habang naka-angkla sa braso ko.
Ang weird nga eh. Ang lamig pero ang warm ng feeling.
May mangilan-ngilan pang tambay ang nadadaanan namin at may mga kasama rin kaming naglalakad.
"Hindi ka siguro natatakot na maglakad ng mag-isa sa gabi."
"Oo kasi kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. At saka, dapat naman talaga ay walang katakutan ang mga babae sa paglalakad ng mag-isa sa gabi man o umaga. Kung hindi lang dahil sa mga demonyong nagkatawang tao ay hindi sana natatakot ang ilan na mag-isang dumaan sa mga kalye."
Tinanggal ko ang lollipop sa bibig ko bago ako magpatuloy. "Lagi nalang may panganib para sa mga babae, araw man o gabi. Hindi naman tama iyon. Deserve naming lumakad sa kalye nang walang pangamba."
BINABASA MO ANG
Gawa sa Rattan
RomanceThis is a sports-romance story where Peitha 'the ace' Altamirano of arnis team and Jusffer Troilus 'the great' Mijares of sepak takraw team join forces.