Kabanata 35

8 2 0
                                    

"Mukhang sanay ka na sa buhay working-student, Gale, ah."

Ngumisi si Gale sa sinabi ni Kyell. "Mabilis akong mag-adjust sa mga bagay-bagay."

Sabay-sabay kaming naglalakad ngayon papunta sa cafeteria para maglunch.

"Si Jaffy din noon palaging puyat eh. Sanayan lang talaga 'no?" tanong ni Willie.

"Try mo rin. Baka one week lang, pumayat ka na," pang-aasar ni Gale. "Nakakapagtaka lang. Batak kayo sa training pero ganyan ang katawan mo."

"Anong masama sa katawan ko? At saka, hindi ito taba. Muscles ito!"

"Muscles na natabunan ng taba," Mijares joked.

Nagtawanan naman kami except for Zuie.

"Lagi n'yong inaasar iyong katawan ni Willie. Kapag naging macho siya, mahihirapan siya."

Napatingin kaming lahat kay Zuie.

"Bakit naman?" tanong ni Las.

"Kasi marami nang hahabol na babae sa kanya."

Napangiti ng malaki si Willie. "Ang bait mo talaga, Zuie. Sana nakakahawa iyong kabaitan mo 'no? Para magkaroon naman si Gale kahit papaano."

Gale just snorted. Ako naman ay napangiti. Na-miss ko ito eh. Iyong kulitin kasama ang limang sepak players.

Stressful ang nangyari sa akin noong mga nakaraang linggo kaya hindi na namin sila nakakasama.

Nakakatuwa nga na kahit madaldal sila ay hindi nila ko tinanong about sa mga nangyari. It's either kinausap sila ni Mijares or they are just respectful.

Napahinto kami sa paglalakad nang may gumulong na bola ng sepak sa harap namin. Pinulot ko ito dahil ako ang mas malapit.

Paglingon ko sa pinanggalingan ng bola ay tumatakbo na papalapit sa akin ang isang babae.

"Yours?" tanong ko.

Nakangiti siyang tumango. "Hindi naman kayo natamaan 'no?"

"Hindi naman..." Bigla kong naalala kung sino siya. "Ikaw iyong nasa dati naming room, 'di ba?"

"Yup. I'm Mari and..." Tinuro niya ang babaeng lumapit at tumabi sa kanya. "She is Vanya."

Salubong ang kilay ni Vanya. "Kayo iyong pumasok sa room namin?"

"Oo. Sorry nga pala sa nangyaring iyon. Hinahanap ko kayo after no'n para humingi ng tawad pero hindi ko kayo matyempuhan."

Nakakahiya iyong ginawa kong iyon. Mabuti na nga lang at hindi umabot sa sumbungan.

"It's fine. Naintindihan naman namin na lasing ka no'n. Sorry din sa inasal ni Vanya."

"Bakit ka nagso-sorry?" bulong ni Vanya.

Nakita kong bahagya siyang siniko ni Mari pero nakangiti pa rin ito sa 'kin.

"About sa hindi mo kami matyempuhan, hindi pa kasi kami regular students dito. Next sem pa. Pero dito na kami nagte-training."

"Oo. Narinig ko nga iyong tungkol sa pagdadagdag ng sepak takraw girls sa mga sports ng university." Ngumiti ako. "Ahh! Gusto kong pormal na magpakilala. Ako nga pala si Pei. Ito naman si Gale at iyon ay—"

Hindi ko naipakilala sina Zuie dahil biglang tumili si Vanya.

"Mari, tignan mo! Si Cloud ba iyon?"

May tinuturo si Vanya pero hindi ko mawari kung sino. Binaba ni Mari ang kamay niya kaya hindi ko tuloy nalaman.

"Walang Cloud sa anim na iyan," sabi ni Gale.

Napatingin sa amin si Vanya. "Actually, hindi ko sure kung anong tunay niyang pangalan. Kung hindi Cloud, eh 'di Neon... or Jack... or Bryle?"

Gawa sa RattanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon