"Huwag ka nang pumasok sa klase, ha."
Tumango si Gale bilang tugon sa sinabi ko. Mukha kasing bibigay na siya sa antok eh.
"Anong sasabihin natin kapag tinanong tayo ng prof?" tanong ni Zuie.
Tinapos ko muna ang pag-inom sa tumbler ko bago sumagot sa kanya. "Eh 'di sasabihin natin iyong totoo."
Tumango si Zuie. "Dapat ipa-ayos mo na ang sched mo, Gale. Mahihirapan ka niyan."
"Tatanong ko pa kung pwede kong ipa-ayos." Gale sighed.
Ramdam naming namomroblema na siya sa sched namin. After kasi ng event ay sinabi niya sa amin na magpa-part-time job siya. Plano na raw niya iyon no'ng sembreak pa.
Eh dahil wala pa siyang nahahanapan ng papasukan bago mag-enrollan ay regular student tuloy ang in-enroll niya. Last week lang siya natanggap sa in-applyan niyang fastfood chain.
Gipit tuloy siya ngayon sa oras.
Laging puyat at pagod.
Madalas na siyang hindi pumapasok sa klase. Madalas na ring wala sa training.
Nasabihan na naman niya ang mga profs namin na ipapabago nga niya ang sched niya kaya pinapalampas siya. Sinabi na rin niya kay Coach ang tungkol do'n kaya naintindihan naman siya.
Ang totoo, nakakagulat na bigla siyang naghanap ng part-time job. Dati, wala naman siyang problema sa allowance niya.
Siguradong may problema pero hindi niya lang sinasabi sa amin.
"Tara, kain na tayo. Tapos, pahinga ka na sa dorm, Gale," sabi ni Zuie sabay bitbit ng bag ni Gale.
Hindi naman na pumalag si Gale at hinayaan nalang siya. Lumabas kami ng club room pagkatapos magpaalam kay Coach.
"Hi, Master!"
Tinanguan ko lang si Mijares pati ang mga kaibigan niya. Sumunod sila sa amin sa cafeteria.
Madalas na silang sumabay sa amin sa lunch nitong nakalipas na isang linggo. Unti-unti na kong nasasanay.
Umupo kami sa long table tapos ay sina Zuie, Mijares, Kyell, at Lai ang um-order para sa amin.
"Pei!" Lumingon ako kay Kuya Jason na papalapit sa amin. Kumaway siya kaya ngumiti ako.
Kasama niya si Captain na may binubulong sa kanya at parang pinipigilan siya sa paglapit pero hindi niya pinapansin.
"Hi, Captain," nahihiyang sabi ni Captain.
"Pwede ba kaming maki-table?" tanong ni Kuya Jason.
"Oo—"
"Dito ka na sa tabi ni Pei umupo, Kuya Diell." Napatingin ako kay Gale na mukhang nagising na ang diwa.
Kinuha niya ang bag ni Zuie tapos ay nilipat sa tabi niya. Sa dulo kasi ako ng table naka-upo at sa gitna dapat namin ni Gale si Zuie.
"Diyan uupo si Zuie eh!" sabi ni Willie kay Gale pero feeing ko pinaparinggan niya si Captain.
"Pwede naman siyang sa tabi ko maupo." Inirapan ni Gale si Willie. "Sige, Kuya Diell, upo ka na riyan. Huwag mong pansinin iyong nagsasalitang baboy-ramo sa tabi-tabi."
Sarkastikong napatakip ng bibig si Willie. Napa-iling siya pero hindi na nagsalita.
"Okay lang ba, Captain?"
Tumango ako. "Okay lang."
Ngumiti siya bago umupo. Si Kuya Jason ay tinapik siya sa balikat bago nakangising umupo sa kabilang dulo.
KAMU SEDANG MEMBACA
Gawa sa Rattan
RomansaThis is a sports-romance story where Peitha 'the ace' Altamirano of arnis team and Jusffer Troilus 'the great' Mijares of sepak takraw team join forces.