"Pwedeng maki-table?"
Napangiti ako bago tumango. Umupo si Captain sa tabi ko.
Nasa canteen kami para magmeryenda.
"Kumusta? Busy pa rin?"
Tumango siya. "Hindi pa kita ma-ide-date."
I chuckled. Si Jodi ay napahagikhik habang sina Zuie at Gale ay nasamid.
"Ikaw ha. Kailan ka pa naging straightforward ng ganyan?" natatawa kong tanong.
Captain chuckled. "Tinuruan ako ni Jason."
"Ang cute n'yo palang tignan," nakangiting sabi ni Jodi.
"Tingin mo ba, bagay kami?"
"Oo naman, Kuya Diell!"
"Really? I thought you're team sepak? I remember siya iyong binoto mo sa poll."
"Ahh... hehe..."
Natawa kami sa reaksyon ni Jodi. Buti na nga lang ay wala rito si Duchess kung 'di ay tatapunan na naman ako no'n ng mapanghusgang tingin.
"Ako, team arnis," nakangising sabi ni Gale.
"Cool." Nakipagfist bump si Captain kay Gale.
Napa-iling nalang ako. May kanya-kanya silang bet. Tss.
"Ikaw, Zuie? Anong team ka?" tanong ni Jodi.
"Ako?" Ngumisi si Zuie bago ako akbayan. "I am team Pei."
I chuckled. Nagfist bump din kami ni Zuie.
"Aww sweet. Sana may ganyan din akong bestfriend."
"Bestfriend mo rin ako," reklamo ni Gale.
"Oo nga pala." Jodi giggled.
"Mahirap kuhanin ang loob ni Zuie. Any tip, Gale?" Captain joked.
Nakasimangot na umiling si Gale. "Wala akong maibibigay na tip. Hindi mo talaga makukuha ang boto niyan."
"Sayang naman."
We continue talking while eating. Maya-maya ay lumapit si Vanya tapos ay naglapag ng yakult para sa amin.
"For you, guys!"
"Isa pa 'tong makulit eh," nakangiwing sabi ni Gale. "Seriously, likas ba na makulit kayong mga sepak takraw players? Mapalalaki o babaeng player makulit eh."
Natatawang nagkibit-balikat si Vanya. Madalas talaga niya kaming bigyan ng kung ano-ano. Way niya siguro ito para mapalapit sa amin.
"Tapos puro pagkain ang ginagawa n'yong pangsuhol. Wala na bang iba?"
"Sige, ano bang gusto mo?"
Ngumisi si Gale. "Groceries, kotse, bahay... mga gano'n."
Napasimangot si Vanya. "Hindi ko kaya iyon! At saka, si Jaffy naman nakuha iyong loob n'yo sa pagka-pagkain."
"Ayon na nga eh, may nakagawa na no'n. Ibahin mo naman."
"Sige. Necessities naman ibibigay ko sa susunod. Napkin naman ibibigay ko sa 'yo. With wings ba or without? May particular brand ka ba?"
Hindi namin napigilang matawa. Napatigil lang kami nang padabog na binitawan ni Gale ang kubyertos.
"Nang-aasar ka ba?"
Pa-inosenteng umiling si Vanya. "Hindi ah. May sinabi ba kong masama?"
"Tusukin kita ng tinidor eh..."
"Joke lang naman eh." Nagpeace sign si Vanya tapos ay nagwave. "Alis na ko. Ba-bye!"
Nagwave ako sa kanya habang nagpapasalamat para sa yakult.
BINABASA MO ANG
Gawa sa Rattan
RomanceThis is a sports-romance story where Peitha 'the ace' Altamirano of arnis team and Jusffer Troilus 'the great' Mijares of sepak takraw team join forces.