9

931 44 2
                                    





Halos hindi ako makagalaw sa narinig ko mula sa kanya.Ibig sabihn ay una pa lang alam na niya na ako yung nagnakaw ng picture sa kanya sa school noon. Bakit ngayon niya lang sinabi? Hindi kaya ay galit siya sa akin at plano niyang gantihan ako sa ginawa kong panloloko sa kanya? Hindi ko naman pinagkalat ang picture niya. Wala akong intensyong ganun. Talagang sobra lang akong humanga sa kanya. Pero hindi naman ako aabot sa point na ipagkakalat ko ang mga pribadong lawaran niya para lang mapansin.

"Ah... ano kasi Sir... I don't really intend to give you the wrong SD card. Hindi ko din napansin na iba yong naibigay sa inyo." Pagsisinungalin ko pa.

"I'm offended but, I saw your photos from the SD card you gave me. It was nice and you really have the talent. You're good at it, so you shouldn't settle for being a secretary. Surely you will learn a lot from this job but you will be more effective on things that you really love to do."

Hindi pa ba ako effective na secretary? Mahal ko din naman siya.

"Sorry talaga Sir. Gusto nyo po ba na ibigay ko sa inyo yong pictures? Pagbalik po ng Manila ibibigay ko po sa inyo."

Umiling siya ng bahagya sa akin. Hinarap ako ng kaunti at dahil sa liit ng space ng sasakyan ay halos ilang pulgada lang ang layo namin. Nakakailang ang sitwasyon namin ngayon. Para bang nasa movie. Biglang tumigil ang oras at tanging kaming dalawa lang ang tao sa paligid.

"There's no need to do that. I'm glad that you didn't post or upload it on social media sites like others used to do."

"Of course, Sir. I won't do that. Hindi ko naman talaga gawain yun." Halos pigilan ko an gang hininga ko habang nagsasalita.

"I can see that." This time he break the stare between us. "Are you hungry? Let's have lunch." Pag-iiba niya ng usapan.

Gusto ko sanang tumanggi. This is the first time na kakain kami ng sabay. Totoong matagal na kaming magkasama sa trabaho pero never akong sumabay sa kanya kumain. Kapag may meeting siya sa labas ay kumakain na ako bago pa kami umalis o di kaya ay pagkatapos na lang meeting ako kumakain.

Sometimes he insist me to order but I refused since I can't focus on work kung kakain ako kasama nila.

At pagkatapos ng lahat ng pagtanggi ay dito lang din pala ang bagsak ko. Wala na akong mahanap na rason para tumanggi dahil buong araw na kaming magkasama at alam niya din na hindi pa ako kumakain. Pareho kaming pagod sa paglilibot at halos ang ibang kasama namin ay nauna na kumain.

I heard his phone notification at kaagad din man iyong tiningnan.

"It's dad. He will join this afternoon house to house campaign. He's having lunch near by. Let's go there."

"Huh? Sasabay po tayo sa dad nyo?" mas lalo ata akong kinabahan.

"You've meet my parents. You've talk to him. Why seems so nervious? He won't bite you." tumawa pa siya

Napahinga na lang ako ng malalim at sumunod sa kanya. Naglakad lang kami since malapit lang din naman daw kung saan kumakain si BBM.

All I thought we will dine sa isang mamahaling resto or di kaya ay sa sosyal. But I was amaze to see ourselves in front of a turo-turo.

"Sure ka dito?" pagdadalawang isip ko pa. Kumakain talaga siya dito?

"Dad, is here."

Pumasok kami sa loob medyo siksikan pa dahil tanghalian talaga. Halos wala na nga nakapansin sa amin dahil busy sa pagkain ang mga tao.

Chasing Heartbeats  (SANDRO MARCOS FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon