19

893 41 9
                                    




"Nakakapagod," hingal na ako. Yong isang kamay ko ay nakatukod na sa tuhod habang yong isa naman ay hawak-hawak ni Sandro. Nakaharap lang siya sa akin habang inaantay ang susunod kong hakbang.

"We can rest for a while if you want." Suggestion niya pero agad din akong umiling. Malapit na lumubog ang araw at gusto kong maabutan namin iyon. Alam kong gustong-gusto ni Sandro ang sunset. Palagi naming pinapanood ang paglubog ng araw sa dagat ng Ilocos Norte. Ngayon gusto kong sabay naming masaksihan iyon sa ibang lugar. Tanaw ang nagtataasang bundok ng Cordillera.

"Crickets ang aabotan natin doon, Cuz." Sigaw ni Gov. Matt sa amin. Nauuna na sila ni Jamie pero dahil sa medyo naiwan kami ni Sandro ay binagalan din nila ang lakad.

Sininyasan ko si Sandro na maglakad na but, he didn't even move. Humugot ako ng malalim na hininga. I push Sandro a bit.

"Are you sure?" paninigurado pa niya.

"Oo, sige na. Worth it naman ang pagod natin pagdating doon." Pinapagaan ko na lang ang loob.

Siya ang may dala ng bag namin habang ako naman ay camera lang ang nakasabit sa leeg ko. Pero hindi kasi ako sanay mag hike kaya ang bilis ko mapagod.

Itong si Sandro kunyari lang na malakas pero alam ko hingal na din yan deep inside. Hindi lang halata sa mukha niya. Ewan, ko ba sa lalaking ito at palagi siyang fresh. Pareho naman kami ng kinakain araw-araw dahil magkasama kami pero bakit ang unfair?

Hawak niya pa din ang kamay ko hanggang sa nakarating na kami sa tuktok ng bundok. Sabay kaming apat na napaupo sa putol na kahoy dahil sa sobrang pagod. Tanaw ang nagtataasang bundok. Ang iba ay natatabunan pa ng ulap. Manilaw-nilaw na langit na maya-maya ay sasakupin na ng dilim.

Gov. Matt started to make a bonfire habang si Jamie ay naglatag ng mantel sa damuhan para upuan namin mamaya.

Ako naman ay tinutulungan si Sandro ayusin yong tent na tutulugan namin mamaya. Dalawa iyon, isa ay para kina Gov. habang yong isa ay para sa amin ni Sandro.

Iniisip ko pa lang na tabi naman kaming matutulog mamaya, nagugulo na naman ang utak ko.

Nasa kalagitnaan ng pag-aayos ay hindi ko mapigilan na pagmasdan si Sandro. Napapangiti tuloy ako kasi hindi talaga nakakasawang tingnan yong mukha niya. Kahit siguro buong dekada ko siyang titigan hindi ako magsasawa.

Kaagad kong pinulot ang camera na nasa tabi ko at kinuhanan siya ng picture habang nag aayos ng tent. Background nya ang sunset na para bang sa pelikula mo lang makikita.

Nakailang pictures din ako ng tuluyan niyang napansin ang ginagawa ko.

"Hey, you're stealing pictures again." Kaagad siyang lumapit sabay ikot sa likuran ko para yakapin ako mula sa likod. "Let me see."

"Sus, gwapo ka dito. You don't need to worry."

"C'mon, Babe. Let me see." Mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. Napailing na lang ako at kaagad na inabot sa kanya ang camera para makita niya ang mga kuha ko sa kanya.

"I can pass a model." Puri niya sa sarili.

Kaagad akong umirap. Paano ba naman kasi nagbubughat siya ng sariling bangko. Akala mo naman....... Hay, oo na gwapo na sya.

"Sana, pero kulang ka sa height kaya maging politiko ka na lang." pang-aasar ko.

Kaagad niyang kinurot ang pisngi kasabay din noon ang pagdampi ng halik mula sa kanya.

"You're so kagigil! You really like to annoy me no?"

Sandro and his convo phrases.

"I won't get tired of doing that kasi alam ko pikon ka." Tumawa ako ng bahagya at agad din hinalikan ang pisngi niya. Aba! Hindi pwedeng siya lang ang chansing dito.

Chasing Heartbeats  (SANDRO MARCOS FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon