23

438 18 6
                                    





The campaign started at mas lalong naging hectic ang schedule namin. As if we barely sleep at night dahil sa maraming inaasikaso para sa kampanya.

While all I want to do is sleep. Heto, at di rin naman makatulog ng maayos dahil sa trabaho. Minsan buong araw na kami na hindi nagkikita ni Sandro.

Nagsimula syang mangampanya kay Sir Bong at hindi maiiwasan na maiwan ako sa Ilocos para asikasuhin ang trabaho nya habang sya naman ay nasa Manila para ikampanya ang ama.

Endless interviews fill Sandro's schedule idagdag pa dito ang mga rally na pinupuntahan.

Mas lalong naging matunog ang pangalangan nya. Sikat na rin naman sya noon pero mas naging double ang humanga sa kanya ngayon. Ang daming video niya ang kumakalat sa social media. Marami ring issue tungkol sa kanya at sa dati nyang buhay pag-ibig.

"Sir Sandro! It's nice to have you here. Grabe iba talaga ang sigawan kapag sumasama ka sa mga rally." Sabi ng isang interviewer sa kilalang TV news.

Iyon ang nag cocover ng rally at naimbitahan agad si Sandro para makapagsalita kahit kakababa pa lang nito ng sasakyan.

I was just watching here from his Headquarters in Ilocos Norte habang nag aayos ng iilang papers na kakailanganin nya sa papalapit na lokal campaign.

I saw him smiling after hearing that question from the interviewer.

"We also saw some videos of you and the girls they've say you're dating. Who's the lucky girl, Sir?"

Mas lalong tumawa si Sandro. Alam mo yong tawang aral na aral na. Parang sanay na siyang marinig ang mga ganung tanong.

"I'm too busy, Sir. I don't really think about those things now. My focus is the first district of Ilocos Norte." He answered.

Naiwan yong girlfriend mo sa 1st district of Ilocos Norte.

"How about the rumors, Sir? The girl na kasama mo during your filling of candidacy. May nakakita daw na magkahawak kayo ng kamay and sobrang caring mo sa kanya. Is she someone special?" Pangungulit pa rin about sa love life nya.

"As I said I'm super busy and wala pa talaga sa isip ko ang mga ganyang bagay. The girl I'm with during my filling of candidacy is my secretary. She's with me since I started working in HOR hanggang sa naging economic officer ako ng province up until now. We're very close kaya normal lang naman siguro na people will us together because she's working to me." Sagot naman ni Sandro. Halata sa itsura nya na medyo na iirita na sya sa tanong lalo pa puro ito tungkol sa love life nya.

"But she's not your girl -

"As of now my girlfriend is the Ilocos Norte first district......"

Pinatay ko ang cellphone at nagkunyari na lang na walang narining. Ewan ko, pumayag naman kami na hindi ipubliko yong relasyon namin pero bakit ako parang nasasaktan ngayon? Ang pangit pala sa pakiramdam na denideny ka.

Oo dati wala din naman nakakaalam ng relasyon namin pero okay lang iyon dahil hindi naman iyon tago. Ngayon dahil marami ng curious ay kailangan niyang itago at kailangan na niyang itanggi.

Tinapos ko ang mga gagawin sa headquarters at nagpasya na umuwi sa bahay nila Sandro. Sinundo ako ni Manong Bobby na syang bagong driver nila Sandro. Sila lang ang kasama ko sa bahay kasama ng ilang guard at kasambahay.

"Ma'am handa na po yong hapunan nyo. Kapag natapos po kayo iwan nyo na lang at kami na po ang bahala." Maharahan akong tumanggo kay Manang at umakayat muna sa kwarto para magbihis.

Chasing Heartbeats  (SANDRO MARCOS FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon