Chapter 44.

1.2K 82 19
                                    

Chapter 44.



Nazzer's pov.

Nabigla ako sa ginawa ni Katherine. She slapped me. I didn't expect that to happen, kaya hindi agad ako nakapagsalita. Gayon pa man ay natigilan din ako sa kanyang sinabi.

Ganoon na ba ako kasama?

Sinabi ko lang naman ang totoo at nararamdaman ko, ah.


Iwinaksi ko nalang ito sa aking isipan saka umalis na rin sa garden. Hindi na ako pumunta sa canteen at dumiretso nalang palabas ng gate. Pumunta ako sa Parking Lot ng school para kunin ang kotse ko.

Siguro ay uuwi nalang ako.

Pagpasok ko sa kotse ay agad ko itong pina-andar at nagmamaneho na sana nang biglang may humarang sa daraanan ko, ayaw ko namang lumiko. Isang itim na van ito pero hindi ko makita kung sinu-sino ang nasa loob nito dahil tinted ang salamin nito.

Bumusina ako para umalis sila, pero hindi nila ginawa. Bumusina ulit ako, pero hindi pa rin. Kahit anong busina ko, ayaw umalis.

Nakakainis na, ah.

Bingi ba sila para hindi marinig ang ginawa ko?


Dahil sa subrang inis ay bumaba ako at lumapit sa van. Kinatok ko ang bintana nito nang paulit-ulit.


"Hoy! Hindi niyo ba narinig ang busina ko?! Pwede ba? Kailangan kong umalis kaya ialis niyo sa pagkakaharang ang van niyo dahil dadaan ako!" inis kong sigaw habang kinakatok pa rin ang pinto.

Bumaba naman ang bintana at bumungad sa akin ang isang lalaki. "Pasensya na, pero ayaw naming umalis, e, kaya wala kang magagawa." sabi nito at nakangising tumingin sa akin.


Bigla akong nakaramdam ng kaba sa ginawa niya. Pagtingin ko naman sa driver at sa likuran nila ay ganoon din. At napansin ko rin na may hawak silang baseball bat.

Napaatras ako. Hindi maganda ang kutob ko rito. Kaya bago pa sila makalabas ay tumakbo agad ako sa kotse ko. Pero hindi ko pa man nabuksan ang pintuan ay naabutan na ako ng isa.


"Ops! Saan ka pupunta?"

Agad niya akong hinila palayo sa kotse ko at sinuntok sa sikmura. Napadaing naman ako doon.

Susuntukin pa sana niya ako uli pero sinalag ko ang kamao niya at agad siyang siniko sa sikmura. Nabitawan niya ako kaya agad ko siyang sinuntok sa mukha. Agad naman akong lumingon sa likod at sinipa ang isa saka patakbong sinipa naman ang isa pa na papalapit saka sinuntok ang kasabay nito.


Pagharap ko naman ay agad akong napaatras nang may sumuntok sa mukha ko at napaharap sa likuran nang may humila sa akin at magkasunod na sinuntok sa sikmura. Napaubo naman ako.

Agad ko namang pinigilan ang kamay niya nang uulit pa sana siya at siya naman ang sinuntok ko, at sinipa rin ang nasa likuran ko, pagkatapos ay magkasunod ko ulit siyang sinuntok sa mukha at sikmura. Agad akong lumayo at dumistansya sa kanila saka dinura ang dugo na lumabas sa bibig ko. Pinahid ko rin agad ang aking bibig.

"Ano bang kailangan niyo?" tanong ko sa kanila habang hingal na hingal na nakatingin sa kanila.

"Ikaw ang kailangan namin, kaya sumama ka nalang para hindi ka na mahirapan pa." sagot nong lalaking nabungaran ko kanina.

Napakunot noo ako.


Na naman?

Isa rin ba silang gangster?

The Only Girl in Section Full of BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon