Chapter 18

4K 231 3
                                    

Chapter 18.


Nazzer's pov.


Kanina ko pa napapansin si Ranzel na walang imik. Simula no'ng lunes na nakita namin si Kiesha at sya naman ay umalis na hindi namin alam kung saan pumunta.

Parating malalim ang iniisip at parang may mabigat na problema kaya nagkaganyan.

Wala syang kibo hanggang sa makapasok ulit kami sa room ay diretso parin ang kanyang lakad, at nagtungo sa kanyang upuan saka naupo. Tapos nasa labas na naman ang tingin.

Ayaw ko mang aminin, pero naninibago ako sa mga ikinikilos nya. Hindi naman sya ganyan dati, e, nitong mga nakaraang araw lang.

Gusto kong malaman kung ano ang bumabagabag sa kanyang isip, at kung bakit sya nagkakaganyan.


Siguro mamaya ay kakausapin ko sya.




********

Kiesha's pov

Natapos na ang araw na walang ibang ginawa kundi ang makinig sa mga dinidiscuss ang mga guro na pumapasok at magsulat.

Ang mga kaklase ko naman ay walang ibang ginawa kundi ang mag-ingay, mag-laro, at mag-kwento sa akin ng kung ano-ano kapag wala ang guro.



Nasa labas na kaming lahat ngayon ng university dahil uwian na, at naghihintay na kami ng aming sundo. Ay! Ako lang pala ang naghihintay.

Meron kasing mga kanya-kanyang kotse 'tong mga classmates kong makukulit, e, pero nandito pa'rin sila at hindi pa amaalis.

Sasama raw kasi sila sa akin sa paghihintay sa aking sundo. Gusto raw nila na bago sila umalis ay nakaalis na rin ako, para parehas kaming sabay na makakauwi sa kanya-kanya naming mga tahanan.

Sinabi ko na sa kanila kanina na ayos lang ako at makakauwi rin sa bahay, kaya ay mauuna na sila.

Ngunit ang mga gago, nangulit na naman na sasamahan na muna daw nila ako rito, dahil baka ay ano pa ang mangyari sa'kin. 'Liban lang kay Ranzel na nakaupo lang sa bench at naghihintay rin.

Aalis na sana sya kanina pero pinigilan sya ng mga makukulit nyang mga kaibigan, kaya wala syang nagawa at nakisama nalang din sa paghihintay.


Nilapitan naman sya ni Nazzer at kinausap. Ngunit hindi ko marinig kung ano ito dahil malayo sila samin.


"Hindi mo pa ba nakikita na paparating ang sundo mo?" biglang tanong ni Tommy

"Oo nga naman Kiesha, mag-a-alasa-is na o" sabat naman ni Donald na parang nag-aalala

"Baka gabihin tayo nyan sa pag-uwi" Sabi naman ni Artor na nag-aalala rin.

"Baka hindi ka masusundo ngayon" sabi naman ni Linbo.

"Sigurado ka bang may sundo ka ngayon?" Tanong ni Nazzer na nakalapit na pala sa amin.

Tapos na silang mag-usap ni Ranzel?

" 'Yun ang sabi sa akin kanina bago ako pumasok"

"Baka hindi ka nila masusundo" Sabi ni Zircon.

"Baka nga"

"Siguro"


"Yeah"


"Hindi ko alam" medyo may pag-alinlangan kong sagot sa kanila.

The Only Girl in Section Full of BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon