Chapter 7

5.9K 377 4
                                    

Chapter 7.


Kiesha's Pov.

Naglalakad ako ngayon sa hallway nang may nagsisitakbuhang mga studyante akong nakita. Hindi ko alam kung bakit at wala rin naman akong balak alamin pa ito.




Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa aming room.



Nakakapanghinala lang dahil walang niisang tao akong nakita sa loob pero narito naman lahat ang mga gamit at bag nila at kumpleto pa lahat.



Ang upuan ko lang ang bakanti at walang laman ni isa.




Pumasok nalang ako sa loob at nag tungo sa pwesto ko at umupo sa aking upuan.



Mga ilang minuto rin ata ako ditong nakaupo nang hindi parin dumadating ang mga kaklase ko kaya nagtaka ako.




Napagpasyahan kong lumabas nalang muna saglit at maglakadlakad sa labas dahil naboboringan ako sa loob na mag isa.



Habang naglalakad ako ay meron parin akong mga nakikitang studyante na tumatakbo at hindi ko alam kung saan patutungo.




Hindi ko nalang sana sila papansinin nang may narinig akong salit galing sa kanila na ikinataka ko. Meron daw dalawang section ang nag aaway don sa gymnation.




Hindi ko alam kung bakit pero kusa nalang akong sumunod sa kanila papunta ron sa gymnation. Dati hindi naman ako ganito na nacu curious pag may nag aaway o naglalaban na hindi ko naman kilala.



Hindi kasi ako interisado at wala rin akong balak na makinuood sa kung sino sino man ang mga ito.




Pero ngayon ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumunod rito. Para kasing may nag sasabi sa akin na kailangan kong pumunta ron at tingnan sila.



Parang may nagsasabi sa akin na kailangan ko silang makita o ang nag lalaban kung sino sino ito. I don't know why but, that's what I fell now.




Pagdating ko sa gymnation ay marami ng mga studyante ang naririto at mukang halos lahat talga ng section ay naririto.



Mukang pinalilibutan nila ang dalawang section kuna na nag aaway. Hindi ko makita kung sino sino ang mga ito dahil sa nakapalibot nga ang mga studyante at halos lahat sila ay sabik na sabik makita ang dalawang section na ito.




Nag isip ako ng paraan kung paano makapunta sa unahan para mas makita ko ng maayos ang nag aaway at may naisip naman ako.



Para makita ko ay nakipag siksikan ako sa mga studyante kahit na meron ng nagrereklamo ay wala akong pakialam. Basta ang nasa isip ko ngayon ay makapunta sa unahan at makakita ng maayos.




Hindi naman ako nabigo dahil napunta rin ako sa unahan. Hay! Sa wakas. Nang nasa unahan na ako ay saka ko palang nakilala at nakita ang dalawang section na nagaaway.




Section Sadness vs section Fear na section ko. Nakikita ko sa mga mata nila ang galit. Ang itsura ng mga ka section ko halatang pagod na at marami narin silang mga pasa.



Bakit naman sila hindi mag kakapasa eh ang dami ng kagrupo ng section Sadness at kunti lang ang sa section namin.




Sa section Sadness ay malalakas pa sila kung titingnan at wala pa silang masyadong mga sugat o pasa manlang.



Kung ikukumpara sa section namin ang Sadness ay nasa 35 sila kisa sa section Fear na 20 lamang.




Marami na ang mga nanghihina sa section ko pero ipinapakita parin nila na kaya at malakas pa sila. Nakita ko ring napaupo si Ranzel dahil sa pang hihina. Ito ba?



The Only Girl in Section Full of BoysWhere stories live. Discover now