Chapter 14

4.8K 265 12
                                    

Chapter 14.



Kiesha's pov.



Pagkatapos kong naiparada ang aking sasakyan sa parking lot ay agad akong bumaba at naglakad papasok sa company namin.


Nang makalapit ako sa pinto ay agad na pinagbuksan ako nang guard nang makita nya ako.


Pagpasok ko ay agad na nagsibati sa akin ang mga nakakakita at madadaanan ko na mga empleyado.


Kilala ako rito kahit na hindi ako masyadong pumupunta rito dahil minsan na akong namahala dito sa company namin dahil sa busy ang parents ko.


Papalapit na ako sa private elevator namin nang makasalubong ko si Miss Chantilly, ang secretarya ni kuya Niel.


Si kuya Niel kasi ang namamahala ngayon sa company namin na ang pangalan ay Vilan Corporation.


"Magandang araw po, Miss Nyhl Kiesha" bati nya nang nakangiti saka pasimpleng nag-baw.

"Magandang araw din. Andyan na ba sila?"

"Opo at kanina pa po sila naghihintay"

"Ah ganon ba?" Tumango naman sya



Nang makalapit na ako sa private elevator ay sya na ang nagpindot sa bottom para bumukas ang elevator.


Nang mabuksan na ay pumasok agad ako at kasunod ko naman sya sa likod, sya na rin ang nagpindot ng number papunta sa floor kung saan magaganap ang meeting at number 15 ito.



Ang suot ko nga pala ngayon ay kulay pink na blazer na pinarisan ko nang black jeans saka kolay orange na sandal.



Nang bumukas na ang elevator ay lumabas agad kami at nagtungo sa pinto na may nakalagay sa taas na meeting room.



Pinagbuksan ako nang pinto ng secretarya ni kuya kaya pumasok agad ako, at sumunod naman sya sakin.

Pagdating sa loob ay nakita ko ang mga ka-business parner ng kuya ko na matiyagang naghihintay.



Pagkakita nila sa akin ay agad silang nagtaka, hindi siguro nila aakalain na ako ang nandirito at hindi si kuya.



Hindi ko na muna sila pinansin at nagtungo nalang sa pinakadulong upuan na kaharap nilang lahat, ang upuan o pwesto ni kuya.


Umupo agad ako rito nang makalapit at saka na sila hinarap at pinakatitigan muna, pagkatapos ay nagsalita.



"Marahil ay nagtataka kayong lahat kung bakit ako ang naparito at hindi si kuya Niel. Wala kasi sya ngayon dahil may pinuntahan sya sa probinsya namin. Ayaw nya namang ipa-kancel ang meeting kaya ako na ang pinapunta nya dito para maging representative " tumigil muna ako sa pagsasalita at tiningnan muna sila isa-isa  "at dahil wala naman akong ginagawa ay pumayag nalang ako. Ayos lang naman siguro 'yun sa inyo diba?" tumango lang naman sila kaya nagsilata ulit ako.



"Sooo..let's start?" tumango ulit sila kaya nagsimula na kami sa meeting.




Time skip...


Natapos ang meeting namin na ang mga pinag-uusapan lang ay tungkol lamang sa mga nagawang project at mga gagawin pa lamang.


Meron ding tungkol sa pagdami nang mga shares na napupunta at paparating pa lamang.



The Only Girl in Section Full of BoysWhere stories live. Discover now