Sinta

187 95 47
                                    

𝐢

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

𝐢. Aking binibining sinisinta,
kailan kaya masisilayan ang ganda
ng mga tala,
sa pamamagitan ng iyong mga mata?

𝐢𝐢. Bitbit ko ang gitara,
ika'y aalayan ng kanta,
baka sakaling pamantayan mo’y maabot
sa paghintay sana’y ‘di mayamot.

𝐢𝐢𝐢. Sa mundo ko’y ulap ay nawala,
dahil sa isang anghel na bumaba sa lupa,
sana’y mapansin ang pintig ng dibdib
dahil alay lamang ang wagas na pag-ibig.

𝐢𝐯. ‘Di makaalpas,
sapagkat tingin sayo'y nakadikit,
hinga'y kinakapos
sana'y saluhin kahit pilit.

𝐯. Ano pa itong tula kung sa iba naka tingin?
ibubulong nalang ba sa hangin?
na sana'y sayo'y makarating
ang lihim na damdamin.

𝐯𝐢. Subalit baka hindi palarin
kaya't unti-unting pinuputol ang himbla,
na nakatali sa akin
sa susunod nalang kita ulit sisintahin.

𝐯𝐢𝐢. Pero,
umuulan din ba sa mundo mo?
Siguro hindi,
dahil mas maliwanag pa sa sikat
ng araw ang iyong mga ngiti.

𝐯𝐢𝐢𝐢. Kung ako'y tatanungin,
umuulan din ba sa mundo ko?
Sagot ay maaaring “Oo”,
Lalo na’t kung iba ang pipiliin mo.




✒ panay muni-muni | kris

Lihim Where stories live. Discover now