Matapos ang pagbura ng mga alaala na sa utak ko'y sapilitang ginawa, tapos na, ayoko na, pagod na akong isipin ka.
Sa paghakbang ko papalayo sa damdaming aking hindi noo'y mabatid, heto na naman ako't nakatingin sa iyong larawan na tila ba'y sa akin ay nakangiti. Tila na wala ang kinang ng mga bituin nang ika'y aking masilayan.
Pabalik na naman ako sa'yo, ngunit ikaw naman ay papalayo. Sana magnet nalang tayo para we attract each other, ngunit kung sa ibang direksyon ka patungo maaaring malabo ang hinahangad ko.
Tinatawag kita ngunit ikaw rin ay nagaalangan. Ano ba'ng mali sa akin? Maaari kayang ito ang sagot mo "I like you but, it's just I don't want to pursue you" o kaya naman "I don't feel like it" pwede namang diretyahan nalang, hindi naman pala gusto bakit patatagalin pa?
Pero hindi talaga, na sa isip ko lang naman lahat ng iyon. Ako lang naman ang gumawa ng mga eksena kung saan ako at s'ya ang tanging bida, walang iba. Ang pagkahumaling ko sa iyong ganda ay s'ya ring pagkapudpod ng aking pambura.
Nakakaaliw kang tignan sa malayuan. Literal na tala na hindi ko kailan man maaabot.
Maaabot mo lang naman ang mga tala kung sila mismo ang lalapit sa'yo.
pagod na sa pagguhit | kris
YOU ARE READING
Lihim
Random✒ sa madilim na silid, nakaupo, hawak-hawak ang plumang pangguhit, kinukulayan ang bawat dibuhong iyong kawangis, nalulunod sa ilusyon, iniisip ka | kris