Guhit sa Puso

116 75 25
                                    

               Guhit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Guhit.
Bura.
Guhit.
Bura.

Unang iginuhit ang iyong mga mata,
na wala man lang pag-tingin sa akin,
sunod ang iyong labi,
na walang kupas ang magandang ngiti.

Sunod ang iyong kamay,
bitbit mo ang gitara, pluma,
at mahika, sa simpleng kumpas,
umiikot na ulit ang aking mundo.

Sa bawat kumpas,
tugtog ng iyong gitara,
dala sa akin ay pangamba,
palagi nalang sana,
sana para sa akin ang iyong mga kanta.

Hindi maamin,
kailan kaya ipapahiwatig,
natatakot at kinakabahan,
sa pamamagitan nalang siguro ng pagpinta.

Guhit.
Bura.
Guhit.
Bura.

Tapos na, pwede nang huminga,
pudpod na ang lapis,
punit na ang papel,
naukit ko na,
ang damdaming hindi na mabubura.

✒ sa madilim na silid, nakaupo, hawak-hawak ang plumang pangguhit, kinukulayan ang bawat dibuhong iyong kawangis, iniisip ka | kris

Lihim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon