3

7.6K 137 9
                                    

"Who the fuck throw that fucking ball on my car?!"

Pagbaba ko ay 'yan kaagad ang isinigaw ko sa kanila.

Medyo nagulat naman yung tatlong lalaki nung nakita nila ako except to the topless man na tinitigan ko kanina, he's just staring at me intently from head to toe. I guess they know me. Well, sino ba naman ang hindi makakakilala sa'kin.

"Pare ang ganda,"

"Shit pare familiar siya,"

"Bobo model 'yan, si Kirlstine."

Nadinig ko bulong bulongan ng mga kasama niya. Magbubulungan na nga rinig ko pa.

Lumapit yung lalaking naka topless sa'kin at kinuha yung bola na nasa may paanan ko. Nahigit ko ang hininga ko nang dahil sa masyado siyang malapit sa' kin. Ang bango. Kahit na pinagpapawisan na siya, pero mabango pa rin. Ang unfair talaga nang mundo.

"I'm sorry, I didn't mean it," mas lalo akong nagalit dahil ang pagkakasabi niya ay labas sa ilong. Tanginang lalaki. May sira ata sa utak.

Kinalma ko muna ang sarili bago ko sasagutin ang sinabi niya. Kailangan ko kumalma kasi yung ibang tao dito ay nakatingin na sa'min. Mga chismosa.

I sigh many times before I talk again in a calm voice.

"You didn't mean it? Look what have you done, I just bought this car a week ago. Do you even know me?" medyo mahina na ang pagkakasabi ko pero may halong diin.

"Aba malay ko. Sino ka ba?" my eyes widened because of what he said. The fuck. I hate him so much. "You? Do you even know me?".

"Aba malay ko. Sino ka ba?" paggaya ko sa sinabi niya kanina. I smirk.

Umigting ang panga niya dahil sa sinabi ko. Oh bat siya pa galit? Totoo naman na hindi ko siya kilala. Sino ba siya? Akala niya naman kung sino siyang sikat.

Bago siya umalis at pumunta sa mga kasama niya para ituloy ang laro ay may sinabi siya sa'kin na nakapaglaglag ng panga ko.

Lumapit siya sakin. Sa sobrang lapit ay parang sa konting galaw ko lang ay maghahalikan na kami. Palapit siya ng palapit at ako naman ay paatras ng paatras hangang sa wala na akong maatrasan kaya napasandal nalang ako sa sasakyan ko.

"Huwag kang masyadong maarte, I can buy you a new one if you want too," pabulong na sabi niya na napagpatayo ng mga balhibo ko, yung tingin niya ay napupunta minsan sa mata ko at minsan sa labi.

Pero bago 'yon ay hinalikan niya ako ng walang permisyo sa labi. Just a smack but still ang laki ng epekto sakin. Fuck him. The audacity to kiss me without my permission.

May iniwan siyang calling card sa kamay ko na mas lalo akong nagtaka. Paanong may calling card siya pero sa ganitong lugar siya nakatira. As far as I know, ginagamit ang calling sa mga mayayamang tao lang.

Nilagay ko nalang ang calling card sa pinakailalim na parte nang bag ko. Ayoko makita calling card niya at baka mairita pa ako. Nagtataka man ay umalis nalang ako sa lugar na'yon at pumunta sa lumang bahay nila Alex.

Pagdating sa bahay nila Alex ay inutusan ko nalang yung mga bata na naglalaro sa labas na ipalagay yung mga gamit sa compartment nang sasakyan ko .

After that binigyan ko nalang sila nang pera. Sobrang saya naman nila kasi ang laki daw nang pera na binigay ko. Ang sarap din bumalik ng pagkabata eh. Yung tipong bibigyan lang tayo nang one peso ay masaya na tayo. Sad to say I didn't experience that kind of feeling, bata palang ako binibigay na ng mga magulang ko ang lahat nang gusto ko. If I want it, they will get it for me. They're spoiling me since I'm still young.

THE SLUT MODEL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon