30

4.8K 92 11
                                    

9 months later.....

"It's your due date na this month. So... itigil mo na iyang kala-labas mo na hindi ako kasama, baka manganak ka nang wala ako."

Hindi ko nga rin namalayan na siyam na buwan na pala tiyan ko. Dahil na rin pilit kung winawaksi ang mga nangyari no'ng mga nakaraang buwan kaya halos araw-araw akong lumabas at pilit na linilibang ang sarili sa pamamasyal dito sa magandang lugar.

"Don't worry, okay lang ako. I can handle myself. Nag-iingat naman ako palagi kapag lumalabas ako mag-isa at tsaka exercise na rin 'yon para madaling lumabas si baby at hindi ako mahirapang manganak." ani ko.

Pero totoo naman yung sinabi, nag-iingat naman talaga ako palagi. Lumalabas ako para lumanghap ng sariwang hangin at para makapag-isip nang tama na hindi iniisip siya.

Hindi ko pa rin lubos na matanggap ang mga nangyari nitong mga nakaraang buwan. Masyado pang malinaw sa aking isipan na parang kahapon lang nangyari. Hindi ko talaga lubos maisip na nagawa niya sa'kin 'yon. Lahat pala nang mga magaganda niyang ginawa kasama ako ay puro kasinungalingan lang pala. Puro pakitang tao lang kasi may masama pala siyang balak sa'kin.

"Oh god! Such a hard headed preggy brat!" malditang pinaikot niya ang kanyang mga mata at tinalikuran ako para pumunta sa kusina. Napahagikhik ako dahil ron.

Sa lahat nang taong tutulong sa'kin siya payong hindi ko inaasahan. Base kasi sa itsura at ugali niya, parang ang hirap paniwalaan na tumutulong rin pala siya o baka sa'kin lang siya naawa. But I can see that she's a good person. Sa halos ilang buwan ko siyang kasama sa iisang bubong ay nakilala ko na kung ano siyang klaseng tao.

"By the way, I have to tell you something important!" napatingin ako sa bukana nang kusina ng marinig ko siyang sumigaw ron. Nakita kung lumakad siya palapit sa'kin habang nagsasabon pa nang baso. "Base on the news, media are eager to find you. Nagtataka parin kasi sila kung bakit bigla ka nalang daw naglaho ng wala man lang pasabi. The agency is so messy because of you. Media are outside the agency everyday just to find some answer why you vanished abruptly."

Puno nang kaseryosuhan ang pagmumukha niya habang sinasabi sa'kin.

"For almost 9 months hinahanap ka parin nila. I know media won't stop until our agency will give them an answer because you're one of the most famous model and they're eager to know where your whereabouts. Ang titigas rin nang mga ulo kagaya mo. Well... I'm not blaming you why the modeling world is so fucking messy right now. I'm just telling you this because I just want you to know whats happening outside in this house." aniya habang hawak parin ang baso at sponge.

Ang linis linis na siguro nang baso kasi kanina pa niya pinapaikot ang sponge diyan habang nagsasalita.

I smiled weakly at her.
"Alam mo naman na ayoko makibalita sa mga nangyayari sa industriya. Ayokong lalong ma-stress sa mga balita na iyan."

Nagtataka nga ako kung bakit hindi niya sinabi sa mga media o kaya pinagsabi sa iba kung nasaan ako. Nanatili siyang tahimik at walang sinabi kahit na isang kataga.

"Hindi ka pa nasanay sa'kin, halos araw-araw ata akong nagbabalita sayo. Mabuti nga hindi ka na stress sa'kin." halos pumaikot na ang mga eyeballs niya kaya natawa nalang ako.

Oo nga naman mabuti hindi ako na stress sa kanya. Halos araw-araw ba naman. Kahit siguro matutulog pa ako ay naririnig ko siyang nagsasalita sa harapan ko. Parang may instant reporter ako dito sa bahay. Nasanay na rin ako sa ingay niya, mabuti narin 'yon para hindi ako mabagot.

I laugh before shooing her.
"Tapusin mo na iyang hinuhugas mo. Mamaya na tayo mag-usap, pupunta muna ako sa taas." natatawang sabi ko sa kanya.

Siya lang ang expensive na marites na kilala ko. Halos araw-araw may chika, hindi talaga nauubusan. At tsaka siya lang pinaka-paborito kung marites.

"Excuse me?! Inuutusan mo ba ako?! I'm not your maid kirls!" parang bata na padabong naglakad palayo sa'kin. Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Cute niya talaga.

Natatawang lumakad ako papunta sa taas. Nitong mga nakaraang araw ay palaging sumasakit balakang ko at minsan nga ay paika-ika pa akong lumakad dahil sa sakit. Pero ang sabi nang doctor ko ay normal lang naman daw 'yon kapag kabuwanan na. Ibig sabihin daw noon ay naka posisyon na ang ulo nang bata sa bukana ko at anytime ay ready nang lumabas.

Being pregnant is really hard lalo na kapag nagsimula ka nang mag crave ng kahit ano.  Minsan nga ay napapa-iyak nalang ako mag-isa sa kwarto ko kapag yung gusto ng anak ko ay ang presensya nang ama niya. Hindi naman kasi pwedi na tawagan ko si Cliff at papuntahin dito kaya pinipigilan ko talaga sarili ko na kunin ang phone ko na nakalagay sa karton. Simula no'ng napunta ako dito ay iniwasan ko talaga na mahawakan ang phone ko. Kaya ang ginawa ko, I turned off my phone and put it in the box.

Kapag hinahanap niya ang presensya nang ama niya, sometimes I will just turn on the TV and ipaparinig ko sa kanya ang mga kanta ng cocomelon o kaya ay kakausapan ko siya habang hinahaplos ang tiyan ko.

I remember when he first kick in my stomach, I was the happiest person that time. Nung unang sipa niya ay masakit talaga pero kapag nasanay kana ay hindi mo na maramdaman ang sakit.

My family, relatives and friends didn't know where I am. Kahit isa sa kanila, at kahit yung pinaka-close kung pinsan ay hindi ko sinabihan kung nasaan ako. Hindi ko alam kung bakit. Nahihiya akong ipaalam sa kanila yung sitwasyon ko ngayon. Siguro sa darating na panahon sa sabihin ko rin sa kanila.

Naputol ako sa pagmuni-muni nang maramdaman na parang natatae ako. Medyo masakit rin balakang ko.

"Baby mag-ccr lang si mommy, huwag ka munang lumabas. Ayaw mo naman siguro sa inidoro mapunta." natatawang sabi habang paika-ikang lumakad sa papuntang cr.

Hindi pa nakapasok sa pintuan nang comfort room ng biglang sumakit yung tiyan ko.
"Aray anak!... Nagjojoke lang naman ako kanina, hindi ka lalabas sa inidoro okay."

Nang hindi tumigil sa pagsakit ay sumigaw na ako.

"KIM! KIM! OUCH!" hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sobrang sakit na talaga.

Anak huwag muna lumabas please. Mamaya na wala pa tayo sa ospital. Sabi ko sa anak ko.

"What happened?!" gulat na bungad ni Kim sa'kin.

"M-manganganak na a-ako.." sabi ko at kumapit sa braso niya.

Inalalayan niya ako don sa kama. Dali dali itong kinuha ang mga gamit na dadalhin namin sa hospital. Nang makalapit siya sa'kin ready na lahat gamit namin at nandon na sa sala. Humihingal siyang lumapit sa'kin at dala lahat nang car keys.

"B-bakit dala m-mo lahat 'yan?!" nagtatakang tanong ko.

"Uh.. I don't know what car should we use.." nagdadalawang isip na tinignan niya yung mga susi nang mga sasakyan.

Napapikit ako nang mariin.
"Tangina kim! Bilisan mong mamili kung anong gagamit mong sasakyan!" diing sabi ko.

"Okay, we should use the mustang nalang... Ferrari? No! The porsche nalang... Uh-okay yung lamborghini nalang para sosyal pagdating sa hospital." nang makapili na siya ay tsaka niya ako inalalayan palabas. Ilang beses ko siyang napadiin ang paghawak sa braso niya dahil sa sakit.

Ang tagal naman kasi niyang mamili, pupunta lang naman kami sa ospital.

Dahan dahan niya akong Ipinasok sa passenger seat. Nagulat pa ako nang bigla niyang ipinatong sa'kin yung gamit.

"Sorry, wala na kasing space." hinging paumanhin niya. Nag peace sign pa.

"Bilisan mo nalang! Okay lang sakin kahit ipatong mo pa lahat nang gamit sa bahay sa'kin basta bilisan mo lang kasi lalabas na ang bata kim!" sugaw ko sa kanya.

Dahil sa sinabi ko, dali dali siyang pumasok sa driver seat at pinaharurot agad ang sasakyan papunta sa malapit na ospital. Nakalimotan niya tuloy na e sarado ang pinto nang bahay. Nakarating rin kami agad sa ospital, sobrang bilis nang takbo niya parang sasali nang racing. Nakita ko yung mga taong kakarating lang rin sa ospital ay napapatingin sa sasakyan namin.

Bago ako ipasok sa delivery room. Nakita ko siyang kinuha ang phone niya at parang may tatawagan.

"Sorry, pero kailangan ko 'tong gawin."

__________________________________________________________

DADDY FOR HIRE CHAPTER 2 IS NOW POSTED. YOU CAN CHECK IT NOW!

Long time no update btw :)

THE SLUT MODEL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon