Prologue

10.6K 289 52
                                    

DISCLAIMER;

This is a work of fiction. Names
Characters, business, songs, places
Events, and incidents are either product of author's imagination, or used in a fictitious manner. Any resemblance to Actual person's, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Prologue:

Umalis ako sa bahay namin dahil sa malaking kasalanan na nalaman ko sa aking ama. Hindi ako alam kung maniniwala ako sa mga paliwanag n'ya o magsisinungaling s'ya kaya naman hindi na ako nakinig pa sa paliwanag n'ya.

Hindi ko masikmura na makasama ko sa iisang bubong ang aking ama dahil sa malaki n'yang kasalanan.

Hindi ko matanggap na kaya n'yang gawin 'yon dahil sa pagkakaalam ko ay mabuting  tao ang aking ama pero mali ako.

Nang dahil sa galit ko sa kan'ya ay umalis ako nang aming bahay ay nagrenta ng condo na tutuluyan ko. May pera pa naman ako kaya magagamit ko 'yon para sa gastusin ko.

Papasok na ako ngayon sa silid na papasukan ko. Nagtransfer ako dito sa Harvard University dahil siguro bored ako.

Wala lang. Trip ko lang mag transfer.

Habang naglalakad ako papalapit na papalapit sa class room ko ay pabilis ng pabilis ang tibok ko nang puso ko marahil ay dahil sa kaba.

Nung una ay na-eexcite ako pero ngayon ay hindi na dahil kinakabahan ako na parang ewan.

Ah! Basta! Ewan!

Nang nasa harapan na ako ng pinto nang aking silid ay malakas akong kumatok. Maya-maya lang ay isang lalaki ang nagbukas no'n.

Napababa ang aking tingin dahil ang liit nito, mga hanggang leeg ko lang kasi ito. Maputi. Singkit. Cute. Matangos ang ilong.
Bagsak na bagsak ang buhok. At guwapo.

Age is just a number!

Ngumiti ito sa akin. "Hi, hehehehe." Sabi nito. Nginitian ko din ito.

"H-Hello."

"Anong kailangan mo Miss Ganda?" Nakangiti nitong tanong sa akin. Medyo nahiya pa ako nang tawagin n'ya akong 'Miss Ganda'.

"Uhmmm, ito ba 'yung Section P?" Tanong ko. "'Yung ang adviser ay si Bryle Corpuz?" Tanong ko. Kahit kinakabahan ay pilit kong sinisikap na huwag mautal.

Napakurap kurap ito habang nakatingin sa akin bago ngumiti nang malaki.

"Dito nga iyon Miss Ganda. Anong kailangan mo?" Ngiting ngiting tanong nito.

"Uhmmm, t-transferee ako." Sabi ko. Mabilis na nawala ang kan'yang ngiti bago muling mapakurap kurap habang nakatingin sa akin.

Agad itong ngumiti sa akin.

"Talaga?!" Tumango ako. Mabilis n'yang binuksan ang pinto. "Tuloy ka Miss Ganda hehehehe."

Nginitian ko ito. "Peyton nalang." Sabi ko.
Tumango ito.

"Tuloy ka Peyton nalang!" Umiling iling ako habang natatawa..

"Hindi. Ang itawag mo nalang sa akin ay Peyton dahil iyon ang pangalan ko." Nakangiti kong sabi.

Tumango tango ito."Ahhhhh hehehehe."

"Hoy! Ni-ki! Sino 'yang kausap mo d'yan sa labas?" Dinig kong tanong nang isang lalaki mula sa loob. Ang kaninang kaba ko na nawala ay muling nagbalik.

Sana all bumabalik!

"Ahhh, si Peyton nalang! Transferee hehehe." Sagot nang batang ito na ang pangalan pala ay Ni-ki.

"Papasukin mo nga 'yan."

Bumaling sa akin si Ni-ki. "Pasok ka daw hehehe." Kahit kinakabahan ay unti unti akong pumasok.

"Who are you?" Sabay sabay na tanong nila sa akin maliban doon sa lalaking nasa hulihan na seryosong nakatingin sa akin.

Ang seseryoso nang mga boses nila ng tanungin nila ako kaya lalong nagwala ang kaba ko.

Galit yata sila!

"P-Peyton. Peyton Royce." Sabi ko. Kinakabahan.

Akala ko magagalit sila nang magpakilala ako pero nagulat ako ng sumigaw sila.

"WELCOME SA SECTION P! PEYTON ROYCE!" Sabay sabay nilang sigaw maliban doon sa lalaking nasa hulihan na hindi parin inaalis ang paningin sa akin.

Type siguro ako nito.

Nagtaka pa ako nang wala akong makitang babae na nandito. Puro mga kalalakihan. Mukhang napansin yata ni Ni-ki kaya bumulong ito.

"Ikaw lang ang babae dito hehehe." Bulong nito.

Eh?

Biglang may isang lalaki ang lumapit sa akin habang ngiting ngiti. Nawala ang mata nito kapag ito ay ngumingiti. Nagulat ako akbayan n'ya ako.

"Ikaw lang ang babae dito, Peyton, kaya huwag ka nang magtanong." Tumango nalang ako.

"Welcome to Possessive Section, Only Girl."
_______________________________________________________________________________

The Only Girl In Protective Section | Only Girl Series #3Where stories live. Discover now