Chapter 2

3K 250 114
                                    

Inis akong umalis sa cafeteria dahil kailangan ko pang magpalit ng uniform.

Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Dumiretso ako sa cubicle para magpalit ng white shirt, mabuti na lang at may baon ako kundi ay baka umuwi ako.

Lumabas ako sa cubicle at hinarap ang sarili sa salamin. Itinuon ko ang aking kamay sa sink bago unti-unting kumurba ang aking labi sa isang nakakalokong ngiti.

My bitch mode is awaken...

Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas pero agad akong napaatras sa biglaan kong paglabas ng makita ko sa harap ng pintuan si Jared.

"Anong ginagawa mo dito?" Mabilis kong tanong. Bumaba ang tingin ko sa hawak n'yang paper bag. "Ano 'yan?" Tanong ko ng hindi inaalis ang paningin sa hawak.

"Here," itinaas n'ya ang paper bag hanggang sa aking mukha. "Huwag kang magsusuot ng shirt dahil bumabakat ang bra mo." Sabi n'ya nang hindi makatingin sa akin, napansin ko pa na namumula ang pisngi nito at palunok lunok pa.

Unti-unting bumaba ang sa dibdib ko ang aking paningin, mabilis kong kinuha sa kan'ya 'yung paper bag bago dali-daling sinarado ang pinto.

Syete! Bakat na bakat ang itim kong bra!

Malalim ang aking paghinga habang nakasandal sa pintuan. Tinignan ko ang laman ng bag, uniform, pambabae na uniform.

Ngumiti ako. Mabait din pala ang loko-loko na 'yon.

Pumasok na ako sa cubicle at nagpalit, napangiti pa nga ako ng sumakto ang uniform sa akin, pero agad din akong napatigil.

Kanino kaya 'to?

Inayos ko muna ang sarili ko bago muling buksan ang pinto. Naabutan ko s'yang nakasandal sa pader habang naka pikit at naka pasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.

Parang model.

"Ehemmm!" Nagpeke ako ng ubo dahil hindi n'ya pa yata napapansin ang presensya ko. Mabilis naman s'yang nagmulat at tumingin sa akin. Umayos na s'ya nang tayo bago lumapit sa akin.

"You done?" Tanong nito.

Pilit akong ngumiti bago tumango. "Oo, salamat." Hindi na ito nagsalita at nilagpasan na lang ako. Sinundan ko ito ng tingin bago mapangiti. "Sungit." Sabi ko bago ito sundan.

Walang nagsasalita sa amin hanggang s'ya na ang unang bumasag ng katahimikan na namamayani sa aming dalawa.

"Who are you?" Tanong nito nang hindi ako nililingon.

"Peyton Royce." Mabilis kong sagot habang naka kunot ang noo at nagtataka.

"What are you doing here?" Seryoso pa rin na tanong nito. Nilingon ko ito nang may pagtataka.

Gago ba s'ya.

"Naglalakad, kasama ka." Nakita ko kung paano mangunot ang noo nito pero hindi ako nilingon.

"I mean, in our section." Parang naubos na ang kan'yang pasensya.

"Nag-aaral, ano bang ginagawa sa class room." Sagot ko habang naka tingin sa may corridor.

Naramdaman ko na nilingon ako nito kaya nilingon ko ito. Ngumiti ako sa kan'ya nang makita ko ang talim nang tingin nito sa akin.

"Sinagot ko lang ang tanong mo, 'wag ka magalit," Sabi ko bago magpeace sign sa kan'ya at ngumiti nang todo. 'Yung ngiti na labas ang gilagid.

Inismidan n'ya ako. "Whatever." Sabi n'ya at nagpaunang maglakad.

"Hoy! Teka sandali! Hintayin mo'ko!" Sigaw ko sa kan'ya nang iwanan n'ya ako. Dahil mahaba ang kan'yang binti at mabilis maglakad ay kailangan ko pa s'yang takbuhin para maabutan. "Magkapatid  ba kayo nung Clyden?" Tanong ko sa kan'ya.

The Only Girl In Protective Section | Only Girl Series #3Where stories live. Discover now