Wattpad Original
There are 15 more free parts

Chapter 1: The CEO

76.7K 1K 19
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

CHAPTER 1: THE CEO

***

MATAPOS pirmahan ang mga papeles ay umupo siya sa itim na leather couch na kaharap ng kanyang mesa upang magpahinga. It has been a very long and exhausting day. Meetings after meetings since eight in the morning and now, the sun has already disappeared out of sight. Wala na namang bago roon. Sa pagsikat at paglubog ng araw ay nasa opisina siya.

'Oh, how time flies when you're having fun,' he grumbled sarcastically.

Matapos ang ilang minuto ng pagpapahinga ay tumayo na siyang muli at bumalik sa kanyang executive chair. May kailangan pa siyang tapusin. Pinindot niya ang intercom na nakadirekta sa kanyang secretary na nasa labas ang mesa.

"Yes, sir?" bati ng lalaki.

"Trent, contact the Finance Operations Head to submit the monthly reports as soon as possible if he doesn't want to get fired," iritado nitong utos. Batid sa kanyang boses na kulang talaga siya sa pahinga nitong nakaraang mga araw.

"Yes, sir. Pero, sir—"

"Ano 'yon?"

"Ngayong gabi ang—"

Hindi niya ito pinatapos sa pagsasalita at pinatay na ang intercom. Ipinikit niyang muli ang mga mata at sumandal muli. He needs time off.

Nang kanyang imulat ang mga mata ay naroroon pa rin siya sa opisina. Malawak at tahimik ang kanyang opisina na may dalawang itim na leather couch sa harap ng kanyang desk. May isang estante sa kanan kung saan naka-display ang mga awards na nakuha ng kompanya sa iba't ibang larangan. Naka-display din sa pader ang mga larawan ng tanyag niyang pamilya at ang malaking pangalan ng kompanya—Fuentes Group of Companies.

Sa kanyang mesa ay nakapatong pa rin ang mga tinapos na papeles, ang kanyang laptop, at ang gintong plaka. His name was on the gold desk plate and written in white bold-striking letters: Prince Ysiquel Fuentes, CEO and President.

Sa edad na bente cuatro, si Ysiquel, o kilala rin bilang si Quel, na ang namamahala ng Fuentes Group of Companies. Panganay siyang anak ng mag-asawang Kyle at Ysabelle Fuentes.

Inabot ni Ysiquel ang kanyang tasa at humigop ng kape. Hindi na niya tanda kung naka-ilang tasa na siya ngayong araw. He wanted to finish all the work before someone breaks his focus away. He needed to divert his mind today... especially today.

Ilang saglit pa ay napansin nito ang pagpihit ng doorknob na ni-lock niya kanina dahil ayaw nito ng istorbo.

It's definitely one of his siblings. Sila lang ang may access dito sa opisina niya sa kahit anong oras na hindi marunong kumatok. Kung ang kanyang mga magulang man ay ipaaalam nila ang kanilang pagdalaw. At kung ibang tao naman ay ipinapaalam ni Trent sa kanya bago may makapasok.

FNGT 1: The CEO's Marriage ContractWhere stories live. Discover now