Wattpad Original
There are 8 more free parts

Chapter 8: Positive

36.4K 560 12
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

CHAPTER 8: POSITIVE

***

FLASHBACK CONTINUATION...

KUMATOK si Samara sa pintuan ng banyo. "Ano na? Wala pa ba?" usisa nito sa kaibigan na kanina pa niya hinihintay na lumabas at ipaalam sa kanya ang resulta. Binuksan ni Rainne ang pintuan at hindi maipinta ang ekspresyon. May pawis ito sa noo at namumutla ang hitsura.

"Uhm..." Pakiramdam ni Rainne ay nagbara ang kanyang lalamunan. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig at ramdam niya ang pagkarera ng kanyang puso. Parang mawawalan siya ng malay at matutumba na lamang sa sahig.

Kumunot ang noo ni Samara. Naroroon ang pag-aalala sa kaibigan ngunit mas matimbang ang kanyang kagustuhang mabigyan ng kasagutan ang kanyang hinala. Malakas ang kutob niyang buntis si Rainne pero iba pa rin ang may ebidensyang magpapatunay na totoo ang kanyang iniisip.

Pumasok sa loob si Samara at lumapit sa lababo kung saan niya nakita ang lahat ng P.T. na ginamit ng dalaga. Her eyes widened and a worried smile drew on her already pale face.

Every single test had two lines clearly drawn in it.

They were all positive.

"My gosh! My gosh! My gosh! Preggy ka na girl! Congrats!" Niyakap niya ang kaibigan na wala pa ring kibo hanggang ngayon.

"So... Who's the father?" Samara dropped the question, and Rainne couldn't find the words to say. Her mind was fuzzy, and she was trying her best to absorb everything.

Rainne was very much pregnant.

'I'm having a baby...? Magkakaanak talaga ako? May baby na sa womb ko? Totoo ba talaga ito? S-so nabuo 'yong nangyari from that night? Pero kaya ko ba 'to?' Hindi mapalagay ang mga tanong sa kanyang isipan. Parang bawat tanong ay magkakaroon ng bagong tanong.

Parang nabuhusan ng napakalamig na tubig ang pagkatao ni Rainne at saka pa lamang tumitig sa mga mata ni Samara. She wants to know. Pero tama nga ba na sabihin niya basta basta na ang Kuya Ysiquel nito ang ama? Would Samara even believe her?

Kumagat labi siya na dumistansya. "W-wala."

"Ha? Anong wala? Ano 'yan, mag-isa mong binuo? Ano 'yon hiniling mo na mabuntis ka isang gabi tapos pak ganern may nabuo nga sa tiyan mo?" sarkastikong tanong ni Samara sa kanya.

Tinago ni Rainne lahat ng P.T. sa paper bag at lumabas sila ng banyo. Umupo siya sa kama habang nanatiling nakatayo si Samara sa harap ng dalaga.

"Wag muna ngayon, Sammy. Hindi ko pa alam ang gagawin ko," maluha-luha niyang sabi.

Hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa ina at lolo niya. Paniguradong kahihiyan ang nangyaring ito sa mga Sandoval. Ni hindi niya alam kung dapat bang sabihin pa kay Ysiquel na nabuntis siya mula sa isang gabi ng kaligayahan nila.

FNGT 1: The CEO's Marriage ContractWhere stories live. Discover now