Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter 11: For the Child

38.6K 652 20
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

CHAPTER 11: FOR THE CHILD

***

"I'LL BE introducing you as my wife in the next board meet-up," walang kaemo-emosyong sambit ni Ysiquel habang nagmamaneho.

"H-ha? Tama ba ako ng narinig? Ipakikilala mo ako sa board?" nakakunot noo na tanong ni Rainne.

Ngunit walang naging sagot si Ysiquel na ikinaiinis ni Rainne kaya pinakalma niya muna ang sarili bago magtanong muli. Minsan napapaisip siya kung mas matanda ba talaga ang lalaki sa kanya. "Is it necessary?"

"Yes," simpleng pagsagot nito.

'Sasagot din naman pala... Tss. Ang arte. Gusto English.' sambit ni Rainne sa isipan.

"A-and that's because...?"

Bumuntong-hininga muli si Ysiquel. Ayaw na ayaw niyang nagpapaliwanag dahil para sa kanya, dapat iniintindi agad ang sitwasyon. Gusto niya ng tahimik na paligid lamang.

"The board and many investors like to negotiate with a man who can show off his wife."

"I don't understand."

"Meaning, kung dedicated sa asawa nila at sa trabaho, mapagkakatiwalaan nila in terms of business and investments. Kaya sina dadm maraming investors na nakuha noong sila na ang namahala dahil ikinatuwa ng investors na mapagkakatiwalaan ang business at bukod pa nito, they know who to run after if the business falls... not that it will."

"Ganoon ba 'yon?" Pero walang naging sagot si Ysiquel sa kanya.

'So... parang ginagamit niya ako for his advantage in relation to his business,' pag-iisip ni Rainne.

"Kailan naman 'yon?"

"Tonight."

"WHAT?!"

Napaapak si Ysiquel sa preno sa biglaang pagsigaw ni Rainne. Napahawak naman si Rainne sa seatbelt dahil sa nangyari. "Why the hell are you shouting?!" anas ni Ysiquel na nakakunot ang noo.

"E ikaw nga r'yan ang sigaw nang sigaw!" Lalong kumunot ang noo ni Ysiquel sa naging pagsigaw niya. "S-sorry nagulat lang..."

Ysiquel exhaled deeply trying to calm the nerves. "I'm pretty sure ako ang nagulat sa bigla mong pagsigaw, Rainne." Napailing si Ysiquel bago nagsimula na muling magmaneho.

Heto na naman ang puso ni Rainne. Naghuhumirinding sa pagtakbo. Akala mo ay natayaan ng paborito sa tayaan. Nasusurpresa siya tuwing tatawagin siya nito sa first name niya.

Simula pa pagkabata ay ang palayaw na niyang Rainne ang pinagagamit niya sa mga kaibigan. Napakahaba naman ng pangalan niya at kung saan saan pang lupalop ng Pilipinas makararating bago pa matapos ispilengin. That's why she prefers to have her friends call her by her nickname.

FNGT 1: The CEO's Marriage ContractWhere stories live. Discover now