Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Chapter 6: The Night

37.6K 655 6
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

CHAPTER 6:THE NIGHT

***

FLASHBACK CONTINUATION...

IT WAS a typical birthday celebration of the Fuentes family for the triplets as they turned eighteen. Bukod sa mga kaklase nito ay nag-imbita rin ang mga kapatid nito ng ilang malalapit na tao sa kanila. Ginaganap ang selebrasyon sa isa sa hotel ng mga Fuentes.

"Happy birthday to you~" pag-awit ng mga tao sa paligid bago hinipan ng tatlo ang mga kandila sa mga cake nila.

"Thank you po sa lahat," Samara sweetly replied bago pumunta sa mesa ng mga kabarkada niyang kumakain na. Nagpasalamat din ang dalawang binatilyong sina Sebastian at Sander sa lahat ng nagpaunlak ng imbitasyon nila.

"Mom, I'll just be in my room. May conference call lang ako with Mr. Claremont," sabi ni Ysiquel, the eldest son and the CEO of Fuentes Corporation. May private rooms ang mag-anak dito sa hotel nila dahil malayo-layo rin kung uuwi pa sila gayong malalim na ang gabi.

"Can't that wait, son? Masyado ka nang busy sa work. Take a break din para naman ma-enjoy mo ang party," hiling ni Ysabelle sa panganay. Nasa 40's na niya ang babae pero hindi batid sa kanyang mas nakababatang hitsura. She was still beyond beautiful.

"Mom, it's a teens' party. I'm too old for this," he chuckled.

True enough. Puro mga estudyanteng mga kabarda ng kanyang mga kapatid ang naroroon. Mayroon ibang mga kaibigan ng pamilya nila ngunit mas marami rito ay mga pamilyado na at iniintindi ang kanilang mga supling o 'di kaya ay magkakasama ang mga magkakakilala.

"Are you saying I'm too old for this?" nakapamaywang at nakataas na kilay na tanong ng ina niya.

"Nope. You are never too old, mom. Kaya nga hooked up pa rin si dad sa 'yo all these years. Where is dad anyway?"

"Bolero ka talaga, Quel. Siguro kasama ng Ninang Cath mo. You know, break ng mga gangsters ngayon," bulong lang ang huling pahayag niya.

Sa kanilang magkakapatid, si Ysiquel lang ang nakaaalam tungkol dito—sa gangsters na pinamumunuan ng ama nila.

"Ahh... Makes sense."

"Stay ka na rin at mag-celebrate!" Nag-pout ang nanay niya at natawa siya.

"I'm already a bit tipsy, mom, and I need that investment from Claremont's kaya hayaan n'yo na 'ko. Just call me if you need anything. Sige, mom, sa hotel room ko muna ako." He kissed his mom's cheek and then walked towards the elevator.

Close sila ng mom niya simula pagkabata pero hindi siya isang mama's boy. He just treasures his family so much because of what happened in the past.

Ayaw na ayaw niyang makikitang iiyak ang kahit sino sa pamilya niya. Maybe it runs in the blood, like what his dad said when he was a kid. He was young, but his memory had been sharp since then. He was traumatized, but his parents were there all the way. Kaya nga lang, hindi na niya ito nalimutan. The memories were etched in his memories for the span of his lifetime.

FNGT 1: The CEO's Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon