Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter 15: Try

32.9K 620 13
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

CHAPTER 15: TRY

***

UNTI-UNTING nagmulat ng mga mata si Rainne dahil may dalawang bagay siyang nararamdam nang mga oras na iyon.

Una, may nakapulupot na mga kamay sa baywang niya at ikalawa ay ang morning sickness niya.

Gulat na gulat siyang nakayakap si Ysiquel sa kanya. Akala niya ay hindi siya rito matutulog. Agad niyang tinanggal ang braso ng asawa at kumaripas ng takbo sa banyo at doon nagsususuka. Binuksan niya ang gripo para malinisan ang kalat.

Naramdaman na lamang niyang naalis lahat ng buhok niyang nakalugay at may humahaplos sa likod niya. Napalingon siya habang nakatakip ang kamay sa bibig. Ang asawa pala niya.

"Are you okay?"

Tumango si Rainne at inabot ang ipit sa may lababo para hindi na hawakan pa ni Ysiquel ang buhok niya. Pinuyod na niya ang sariling buhok.

Kinakabahan siya dahil sa presensya ng asawa. Kinuha niya ang sipilyo at hindi siya nag-aangat ng tingin. She doesn't like having an aftertaste. Naghilamos na rin siya pagkatapos.

Aabutin na niya sana ang tuwalya sa sabitan pero nagulat siya sa ginawa ni Ysiquel na hindi pa pala umaalis sa likod niya. Hawak hawak ni Ysiquel ang tuwalya at pinupunasan ang basang mukha ng asawa. He was so careful in damping the towel on her cheeks na animo'y gawa sa porselana.

"Ayos ka lang ba?" tanong muli ni Ysiquel.

"O-oo. Normal lang 'yon," nahihiyang sagot ni Rainne. Alam niyang namumula ang kanyang mga pisngi sa mga oras na iyon.

"Are you sure? Baka kailangan mo nang magpatingin sa doktor?" Natawa si Rainne sa inaasal ni Ysiquel. "Bakit ka natawa?" May bahid ng pagkainis sa boses ni Ysiquel.

"S-sorry." Pinigilan niya ang sarili na matawa.

Bumuntong-hininga si Ysiquel at dahan-dahang ipinatong ang kanang kamay sa pinsgi ni Rainne na nabalot ng matinding gulat. Her cheeks definitely flared up with that connection.

"Rainne..." mahina niyang tawag.

"Y-yes?"

Nakita ni Rainne ang paglunok ni Ysiquel. Tumaas at bumaba ang Adam's apple nito.

"I'll try."

"Ha?"

"I... I'll try to take care of you."

Kahit nais niya na purong kilig lamang ang maramdaman ay nabigo siya.

"P-pero... A-akala ko ba..." Malinaw pa sa alaala ni Rainne ang mga salitang binitiwan ni Ysiquel sa kanya tungkol sa pagsasama nila.

"Walang pakialaman sa isa't isa?"

"Oo..." sagot nito sabay tango.

Napakamot sa batok si Ysiquel at medyo nag-iwas ng tingin. "Well... You're carrying my child so..." Parang sinampal si Rainne muli ng realidad na kasal sila dahil nabuntis siya.

FNGT 1: The CEO's Marriage ContractWhere stories live. Discover now