Wattpad Original
There are 6 more free parts

Chapter 10: Friend

34.4K 735 25
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

CHAPTER 10: FRIEND

***

"PENS DOWN. Pass your papers now," utos ng propesor sa kanyang mga estudyante. Panahon na ng exam at pulos stressed ang lahat ng tao sa unibersidad.

"Ate Reeeeeev!" Napalingon si Rainne sa pinagmumulan ng boses. Si Samara ang tumatawag sa kanya at haggard na ang hitsura nito pero maganda pa rin.

"O, Sammy, anong problema?" Sinalubong niya ang dalaga sa gitna ng silid.

"Thank you talaga!"

"Ha? Para saan naman?" nagtatakang tanong ni Rainne sa hipag.

"Do'n sa pagre-review mo sa 'kin sa English Literature! Parang ikaw ang gumawa ng test paper kasi pareho mga tanong mo at nung paper e," she chuckled.

"No problem. Ano? Tara na?"

"Yes! Let's go na! Nagugutom na ako!" Bumaba na sila habang nagliligpit ng sariling mga gamit ang ibang estudyante.

Napag-desisyunan ng mag-hipag na sa isang restaurant mananghalian. Natatakam si Rainne sa spaghetti bolognaise at halo-halo.

"Gusto mo magpa-take out na rin tayo?"

"Later na lang. Unpredictable kasi 'tong si baby. Biglang nag-iiba ang gusto." Rainne pouted, rubbing her unnoticeable belly.

"Ano ka ba! Ayos lang 'yan! You still look oh-so-pretty kaya! Sana kapag nabuntis ako kasing ganda mo!" Her eyes twinkled. "Pero syempre, not now. Ang dami ko pang modeling projects na gustong gawin."

"Sus. May boyfriend ka nga pero kalat na kalat sa school na playboy daw?"

"Totoo 'yon, ate. But that was before naging kami. Seryosong-seryoso naman siya sa akin. One time, I'll introduce you to Ben. Ibang department kasi 'yon at zigzag ang schedule kaya nakaloloka."

Their chat continued while waiting for their meal to be served.

"Hey, ladies!"

They turned and saw their classmate, Rex, at the next table.

"Hey. Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Samara sa kaklase.

"Ahm... Makikitulog?" Sinamaan ni Samara ng tingin ang binata na natawa lamang. "Syempre kakain. Nagugutom na ako at ayoko sa fast food ngayon. Puno panigurado kasi katatapos lamang ng exam."

"He's got a point." Rainne nodded.

"Pwede sumabay sa inyo?"

"At bakit naman, aber?"

"Makikipagkwentuhan na rin ako. Ang boring din naman kumain nang mag-isa sa mesa tapos may mga kausap kang nasa kabila."

"Sure. Go ahead," pagpayag ni Rainne. Umupo ang binata sa tabi niya at ngumiti. Sabay-sabay na nilabas ang order at kumain na sila.

FNGT 1: The CEO's Marriage ContractWhere stories live. Discover now