Chapter 6

104 15 0
                                    

          PAGDATING ni Lilianne sa kusina ay bigla siyang natigilan. Bukod sa mga dalawang maids nila, ang Daddy lang niya ang naabutan doon. Bigla siyang kinabahan, kaya inayos niya ang sarili bago naupo sa puwesto niya.

"Bebang, nasaan sila Kuya?" tanong niya sa isa sa kasambahay.

"Maagang umalis, pinapasabi pala ni Sir Larry. Hindi ka daw niya masusundo mamayang gabi kaya mag-taxi ka muna pauwi. Huwag na huwag ka daw magmamaneho," sagot nito.

"Sige, salamat," aniya.

Napatingin siya sa Daddy niya ng malakas itong pumalatak habang umiiling.

"Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit ka pa kailangan sunduin ni Larry. Hanggang ngayon ba ay takot ka pa rin magmaneho?" pormal na tanong ng Daddy niya.

"Hindi naman, Dad. Sinabi ko nga po kay Kuya Larry na huwag na akong sunduin dahil kaya ko naman ang sarili ko," naiilang na sagot niya.

"Ang sabihin mo, nagpapa-senyorita ka na naman! Masyado kang spoiled! Pati ang Kuya mo inaabala mo imbes na makakapagpahinga ng maaga, kahit kailan talaga istorbo ka sa buhay ng mga tao dito!" angil nito sa kanya saka tumayo at binato ang table napkin sa silyang inupuan nito.

"Makaalis na nga, nakakawalang ganang kumain, bwiset!" sabi pa nito saka umalis.

Nangilid ang luha ni Lilianne. Tinakpan niya ang bibig para mapagilan ang pagkawala ng luha mula sa mga mata. Agad na lumapit sa kanya si Bebang at Manang Rosita, ang nag-alaga at nagpakalaki na halos sa kanya. Umakbay ito sa kanya at inalo siya.

"Huwag mo ng pansinin ang Daddy mo, Lilianne. Alam mo naman 'yan," sabi pa nito.

"Bakit ganon, Manang? Wala naman po akong ginagawa, pero nagagalit pa rin siya sa akin? Siguro talagang kahit kailan, hindi niya ako kayang ituring bilang Anak,'" umiiyak nang sabi pa niya.

"Hindi totoo 'yan, Ma'am Lilianne," ani Bebang.

"Naniniwala ako na balang-araw ay mangyayari ang matagal mo ng inaasam. Intindihin mo na lang ang Daddy mo," sabi pa ni Manang Rosita.

Humihikbi pa na tumango na lang siya.

"Sige na, kumain ka na muna," ani Bebang.

Dahil sa narinig na sinabi ng Daddy niya. Tuluyan na nawalan din ng gana si Lilianne na kumain kaya nagpaalam na lang siya na aalis. Habang nasa taxi papasok ng trabaho, hindi niya maiwasan na mapaiyak.

Simula noon pagkabata niya, hanggang sa magkaisip at magdalaga si Lilianne. Nakagisnan na niyang mabigat ang dugo sa kanya ng nakagisnan ama, o mas tamang sabihin na kinamulatan na niyang malaki ang galit nito sa kanya.

If she remembers it correctly, she's only seven eight years old when she accidentally heard the truth. Nagtatalo noon ang Kuya Larry at daddy niya, pinalo siya ng pinalo ng Daddy niya ng araw na iyon. Nabasag kasi niya ang paboritong vase ng Mommy niya, pero pinagtanggol siya ng Kuya niya kaya lalong nagalit.

Dahil sa pagtatalo ng dalawa, bumulalas mula sa bibig mismo ng daddy niya ang totoo. Hindi siya totoong anak nito, anak siya ng Mommy niya sa unang naging boyfriend nito. Nagkaroon ng relasyon ang dalawa kahit na kasal na ang Mommy niya sa Daddy niya. Sinubukan pa nga daw ng Mommy niya na umalis na lang, pero hindi na rin nagpakita ang biological father niya. Kaya walang choice ito kung hindi ang manatili doon kahit katakut-takot na pasakit ang inabot nito sa Daddy niya dahil sa nagawang pagkakamali. Nang tanungin ni Lilianne kay Manang Rosita kung bakit nagawa ng Mommy niya na pagtaksilan ang Daddy niya? Inamin ni Manang na pinagkasundo lang pala ng mga magulang ang dalawa, though, ang Daddy niya ay may gusto na sa Mommy niya. Nang makasal daw ang mga dalawa, naging

The Messenger Trilogy Book 2: I Kissed An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon