Chapter 20

113 14 0
                                    

One and a half year later...

"DOMENG! Diyos ko, Domingo! Bakit mo kami iniwan ng mga anak mo!" palahaw ng iyak ng asawa ng nakaburol.

Napangiwi si Lilianne sa nakakatulig na pag-iyak ng misis ng namatay habang nakayakap pa sa kabaong. Si Mang Ambo naman ay napapailing. Mayamaya ay napalingon sila sa may entrance door ng makitang may isa pang babae ang dumating at may kasamang isang batang lalaki. Napalingon ang mga bisita na nakikiramay pagkatapos ay nagbulungan pa.

"Ano Mang Ambo? Pustahan tayo, kabit 'yan," sabi pa niya.

"Parang hindi Ma'am, mukhang siya 'yong legal na asawa," sagot ng matanda.

Hindi makapaniwalang tumingin si Lilianne sa matanda saka napailing.

"Mang Ambo, malabo na ba mata mo? Iyong babaeng bagong dating ang medyo bata, kaya sigurado! Iyon ang kabit," giit niya.

"Hindi. Sigurado ako 'yong nakayakap sa kabaong ang kabit," giit din ng matanda.

Napakunot-noo siya saka pinagmasdan ang kanina pa iyak ng iyak na may edad na babae. Nakita niya sa picture ang namatay, ayon din sa nakausap niyang kamag-anak ng namatay ay nasa trenta'y dos lang ito. Pero iyon babae ay mukhang nasa kuwarenta na. Napahinto siya sa pag-iisip ng humakbang palapit ang bagong dating na babae.

"Anong ginagawa mo dito?!" galit na tanong nito.

Matalim na tiningnan ng may edad na babae ang bagong dating.

"Karapatan kong makita ang bangkay ng asawa ko!" mariin sagot nito.

"Ang kapal ng mukha mo! Eh kabit ka lang!" sigaw ng bagong dating na babae sabay sampal dito.

Napasinghap si Lilianne, saka halos tulala na lumingon kay Mang Ambo. Nagkibit-balikat lang ito saka tumawa.

"Sabi sa'yo Ma'am eh," sagot nito.

"Unbelievable," komento niya.

"Paano mo nahulaan 'yon?" tanong pa niya.

"Kilala 'yan si Domeng sa karatig-bayan, kilalang babaero 'yan, maraming panganay at bunso sa iba't ibang babae. Pero iyong bagong dating ang legal na asawa. Noong mag-abroad 'yan, kaliwa ng kaliwa 'yong lalaki. Ayan tuloy, daming bata ang naipon," kuwento ni Mang Ambo.

Napailing siya saka tumalikod.

"Ay naku, huwag na nga po natin pag-tsimisan 'yan. Problema nila 'yan," aniya.

Pagbalik niya ng opisina ay binigay na ni Lilianne ang suweldo ng mga tauhan.

"Thank you po, Ma'am!" masayang wika ng mga empleyedo nila.

Nakangiting tumango siya sa mga ito habang nililigpit ang mga gamit.

"Uuwi na po kayo, Ma'am?" tanong ni Mang Ambo.

Marahan siyang tumango. "Opo, naghihintay si Daddy at sila Kuya sa bahay. Ipapakilala kasi ni Kuya Larry 'yong girlfriend niya sa amin kaya may konting salu-salo," sagot niya.

"Sige po, ingat sa pag-uwi. Kami na po ang bahala dito," anito.

Paglabas niya ng opisina. Napahinto siya sa paglalakad ng matanaw ang sinag ng papalubog ng araw sa labas. Pero nawala doon ang atensiyon ni Lilianne ng maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone niya. Agad na tinanggap niya ang tawag ng makitang si Lance ang tumatawag.

The Messenger Trilogy Book 2: I Kissed An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon