Chapter 12

104 13 2
                                    

          DUMILAT si Lilianne, paglingon niya sa paligid ay halos kulay puti ang lahat ng gamit sa paligid. Ang kama na hinihigaan niya, ang kumot unan maging ang bedsheet ay kulay puti. Maging ang tela na nakasabit sa apat na poste ng kama sa bawat dulo ay kulay puti. Ang kurtina na nakasabit sa may bintana ay kulay puti rin. Sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama ay may bulaklak na kulay puti at naaamoy niya ang bango niyon.

Nang tingnan niya ang sarili, maging siya ay nakasuot ng kulay puti na dress. Sigurado si Lilianne na hindi iyon ang kuwarto niya. Pero bakit parang ang gaan ng kanyang pakiramdam pagkagising?

Pagbaba niya ng kama, naglakad siya sa paligid ng malawak na silid na iyon. Napahinto siya ng makitang nakasabit sa dingding ang sketch ng anghel na napanaginipan niya. Umangat ang kamay niya at marahan hinaplos ang mukha sa larawan.

"Michael," bulong niya.

Napalingon siya sa nakabukas na pinto ng veranda ng tangayin ng malakas na hangin ang kurtina. Natigilan si Lilianne matapos maaninag ang anino ng isang lalaki, bumilis ang tibok ng puso niya ng mapansin na mula sa likod nito ay lumabas ang malaking pakpak nito.

"I...ikaw... 'yong..." nauutal na wika niya.

Sinubukan ni Lilianne na ihakbang ang mga paa, pero parang tinulos siya sa kinatatayuan. Lalong lumakas ang kabog sa dibdib niya ng kusang humawi ang kurtina. Hindi makapaniwala sa nakita si Lilianne, matapos itong pumasok sa silid niya. Hindi siya maaaring magkamali, ito ang anghel na nasa kanyang panaginip noon.

Hindi maintindihan ni Lilianne kung bakit naiiyak siya. The angel looks exactly like Michael. May nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa likod nito, and his wings are huge and mighty. Ngunit sa pagkakataon na iyon, kulay puti na pantalon at t-shirt ang suot nito.

"Sabihin mo sa akin, sino ka?" tulalang tanong niya.

"Nakilala mo na ako, Lilianne. Hindi ba't minsan na tayong nagkita sa panaginip mo?"

Natutop niya ang bibig. Bigla niyang na-realize, kung bakit iba ang suot nito kompara noong una silang nagkita. Ang ibig sabihin ng kaswal na kasuotan nito ay si Michael bilang isang ordinaryong tao na nakilala niya. Habang ang pakpak naman nito...

"Michael? Totoong anghel ka?" gulat na tanong ni Lilianne.

Hindi sumagot si Michael. Sa halip ay ngumiti lang ito at tuluyang lumapit sa kanya. Sa bawat hakbang ng binata palapit sa kanya ay parang libo-libong boltahe ng kuryente ang lakas ng dating nito sa kanya.

Paglapit ay kinulong siya ng binata sa loob ng matipunong bisig nito. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya maramdaman na yumapos ang isang kamay nito sa beywang at hinapit siya palapit dito. Habang ang isa naman ay naglakbay sa buhok niya. Pakiramdam ni Lilianne ay sasabog ang dibdib niya ng mga sandaling iyon. Hindi inaalis ni Michael ang tingin sa kanya at puno ng emosyon ang mga mata nito.

Napapikit si Lilianne ng ilapit nito ang mukha sa kanya. Nagliwanag lalo ang buong paligid nang lumapat ng labi nito sa kanya. Nang maramdaman niya ang galaw ng labi nito, hindi nagdalawang isip si Lilianne na gumanti ng halik. That moment, it seems like a dream she doesn't want to end. Ramdam niya sa masuyo at mainit na halik ni Michael, mahal siya ng binata. Sa paglipas ng bawat segundo, his kisses is getting sweeter and sweeter. Tama, doon na lang siya. Sa loob ng mga bisig nito. Kung saan wala siyang lungkot na maramdaman, kung saan ang pagmamahal lamang para sa binata ang kanyang naiisip. Namalayan na lang niya na yumapos siya sa batok nito, kasabay niyon ay yumakap sa kanya ang malaking pakpak nito.

Ngunit sa isang iglap, biglang naglaho si Michael. Ang saya na kanina niyang naramdaman ay napalitan ng takot.

"Michael?" aniya sabay lingon, kasunod niyon ay agad na bumagsak ang luha mula sa kanyang mga mata.

"Nasaan ka na? Bumalik ka," umiiyak na wika niya.

Hinanahap ni Lilianne ang binata sa paligid, pero wala ito kahit saan sulok. Tumakbo siya sa labas ng veranda, pero wala din doon si Michael. Sa halip, ay parang talulot ng mga bulaklak na dahan-dahan bumabagsak galing sa langit ang tila balahibo na galing sa pakpak nito.

Hanggang sa hindi na niya makita muli ang binata. Lalong bumuhos ang luha ni Lilianne. Kanina lang, hindi niya maipaliwanag ang saya habang kapiling ito. Paano nangyari na bigla na lang itong nawala at agad na gumuho ang lahat ng kanyang pangarap? Bakit ang hirap para sa kanya ang sumaya?

"Michael," umiiyak na wika niya.



BIGLANG bumalikwas ng bangon si Lilianne habang habol ang bawat paghinga. Mabilis siyang lumingon sa paligid, hindi kulay puti ang lahat sa paligid niya at wala din ang veranda. Higit sa lahat, wala rin ang anghel o si Michael. Muli siyang napahiga saka tumitig sa kisame.

"Panaginip lang pala, parang totoo," aniya.

Pumikit si Lilianne saka huminga ng malalim.

"Masyado kang nagiging masaya dahil kay Michael. Masyado mo siyang iniisip, kaya hanggang sa panaginip siya pa rin ang nakikita mo," kastigo niya sa sarili.

Napalingon siya sa sketch ng anghel na nakasabit sa dingding ng kuwarto niya.

"Pero bakit ganoon? Sa panaginip ko, si Michael at 'yong anghel ay iisa?"

Napabuntong-hininga si Lilianne. Ngunit mayamaya ay napangiti naman siya ng maalala ang masarap na halik na pinagsaluhan nila. Kahit na sa panaginip lang iyon, parang totoo ang halik na iyon, at pagkakataon na iyon ay hindi na basta naglapat ang labi nila. It was Michael who initiated the kiss and it was a real kiss.

Bigla siyang dumapa saka binaon ang mukha sa unan at doon tumili ng tumili sa sobrang kilig. Nang mahimasmasan ay humiga ulit siya patihaya saka napangiti habang nakatitig sa kisame at ini-imagine ang guwapong mukha ng binata.

"Shocks, hindi na lang yata crush 'to, in love na yata ako! Kasi naman eh, bakit ba kasi kamukha niya 'yong anghel sa panaginip ko?" sabi pa niya saka humugot ng malalim na hininga.

Bumalikwas ulit ng bangon si Lilianne ng biglang makita ang oras. Thirty minutes na siyang late, tiyak late na naman siya sa pagbubukas ng Funeral Homes. Napatalon siya pababa ng kama saka dumeretso sa loob ng banyo. Pagkatapos maligo at mag-ayos ay nagmamadali siyang bumaba ng kuwarto.

"Oh iha, mag-almusal ka muna," habol sa kanya ni Manang.

"Doon na po! Late na ako," sagot niya.

Palabas na siya ng gate ng mapansin ang isa pa nilang kasambahay na busy sa bandang sulok ng bakuran habang abala ito sa pagtatapon. Hindi na sana niya iyon papansinin, pero may isang bagay ang umagaw sa atensiyon ni Lilianne kaya nilapitan niya si Bebang.

"Bebang, ano 'yang mga nililigpit mo diyan?" tanong pa niya.

Napansin niya na natigilan ito saka agad na lumingon sa paligid.

"Naku umalis ka na, Lilianne. Kapag nakita ng Daddy mo na nandito ka, tiyak na magagalit iyon," sa halip ay pabulong na sagot nito.

"May bago pa ba doon?"

"Hindi mo ako naiintindihan. Mahigpit na bilin ng Daddy mo, na huwag ko daw hahayaan na makita mo ito," sabi pa ni Bebang.

"Bakit naman? Ano ba 'yang mga 'yan?"

Muli itong lumingon sa paligid. "Huwag kang maingay na sinabi ko sa'yo. Pero, mga pictures ng Mommy mo. Pinapatapon ng Daddy mo," sagot nito.

"Ano?!" gulat na tanong niya.

"Huwag kang maingay," bulong nito.

"Bebang, huwag mong itatapon 'yan," sabi niya.

"Kapag hindi ko ginawa 'yon, ako naman malilintikan. Ganito na lang..."

Kinuha ni Bebang ang isang maliit na picture frame saka binigay iyon sa kanya.

"Itago mo na 'yan."

Tinitigan mabuti ni Lilianne ang larawan ng nasirang ina.

"Sige na, umalis ka na. Baka maabutan ka pa ng Daddy mo na hawak 'yan," sabi pa nito. 

The Messenger Trilogy Book 2: I Kissed An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon