Chapter 19

110 14 3
                                    

NAGNGITNGIT sa galit si Michael matapos sadyang sugatan ni Lucio si Lilianne sa braso ng espadang nito. Pagkatapos ay tumawa ito na tila masaya pa na nakikitang siyang nagagalit.

"Bitiwan mo siya!" sigaw niya.

"At anong gagawin mo? Sasaktan ako? Papatayin mo ako? Magagawa mo bang saktan ang ama ng babaeng mahal mo?"

"Huwag mo akong lansihin sa mga ganyan salita! Lumabas ka sa katawan na iyan at maglaban tayo ng harapan! Huwag kang duwag at magtago sa kahinaan ng mga tao!" panghahamon niya.

"Hindi ako mahina!"

"Kung ganon, patunayan mo sa akin!"

Lumingon siya sa dalawang kasama saka sumenyas. Si Andrew ay nilapitan si Angge at nilayo ito doon. Si Gabriel naman ay biglang lumipad paalis.

"Anong binabalak n'yo?" nagdududang tanong ni Lucio.

Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Uulitin ko sa'yo ang sinabi ko noon, Lucio. Kahit kailan ay hindi ka mananalo, sa huli ay kabutihan pa rin ang mananaig," sagot niya.

Nagulat si Lucio ng biglang sumulpot si Gabriel at Andrew sa magkabilang tabi nito kaya nabitiwan nito si Lilianne.

Biglang lumambot ang puso niya ng magtama ang paningin nila ng dalaga. Tumakbo ito papunta sa kanya at agad niyang kinulong ito sa mga bisig niya saka niyakap ng mahigpit.

"Akala ko hindi ka na darating, akala ko kung napaano ka na," umiiyak na bulong nito.

"Sinabi ko naman sa'yo, lagi lang ako nasa tabi mo. Kailangan ko lang bumalik sa langit para mabawi ang lakas na nawala sa akin," sagot niya.

"Michael, please, iligtas mo si Daddy," pakiusap nito.

"Huwag kang mag-aalala, akong bahala," aniya.

Pinatabi muna niya ang dalaga para harapin si Lucio. Mula sa kamay niya ay lumabas ang isang kulay puti na ilaw. Napatingin si Michael sa kalaban ng bigla itong pumalag. Mabuti na lang at mabilis na nasalag ni Gabriel at Andrew ng hawak nitong espada ng sugurin ang dalawa ni Lucio.

"Michael ngayon na!" sigaw ni Gabriel, sabay tulak kay Lucio habang nakikipagbuno ito ng espada sa kalaban.

Gamit ang kapangyarihan na lumabas sa kanyang palad, mabilis niyang pinatamaan si Lucio sa dibdib. Malakas itong sumigaw at dumaing ng malakas, sa isang iglap, lumabas ang espiritu ni Lucio mula sa katawan ng Daddy ni Lilianne. Wala itong malay paglabas ni Lucio sa katawan nito, agad iyon sinalo ni Gabriel at hiniga sa isang tabi. Samantalang si Andrew naman ay nilapitan si Angge at Lilianne. Sa mga sandaling iyon, laban na nilang dalawa iyon.

Lalong sumiklab ang galit ni Lucio sa ginawa niya.

"Magbabayad ka sa ginawa mo!"

"Tapusin na natin 'to, Lucio! Ayoko ng makita ka pa! Kailangan mo ng bumalik sa impyernong kinalalagyan mo," sagot niya.

Mabilis siyang sinugod ni Lucio at akmang sasaksakin, pero agad naman niyang nasalag ang espada nito. Sa lakas ng impact niyon ay nayanig ang paligid.

"Bago mo gawin 'yon, sisiguraduhin ko muna na isasama ko ang babaeng mahal mo!" sabi nito saka humalakhak.

"Huwag na huwag mong sasaktan si Lilianne!" galit na sagot niya.

"Sinasabi ko na nga ba at kahinaan mo siya!"

"Tapusin na natin 'to!" sigaw niya saka tinulak ito, bago agad na sumugod.

The Messenger Trilogy Book 2: I Kissed An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon