Chapter 33: Trouble

1.5K 35 4
                                    

Mystery Killer 2: The Revenge

-Angelo Cortez Point of View-

Angelo: Pasensiya ka na Alexander ah? Nawala kasi sa isip ko yung inalok kong tulong sa iyo na ako na gagawa nung sa mga dokumento. Pasensiya ka na ah?

"Alam mo Angelo alam kong Presidente ka ng Student Council pero hindi mo naman kailangang magmagaling at magpasikat sa amin na kaya mo ang lahat kasi sa totoo lang, hindi mo naman kaya eh. katulad na lang nito nag-alok-alok ka ng tulong hindi mo naman pala magagawa kaya umasa ako sa iyo tapos ito mangyayari. Alam mo bang nagalit sa akin ang Principal?"

Angelo: Hayaan mo kakausapin ko yung Principal.

"Wag na. Pihadong iisipin nun na kinausap kita para kausapin siya na wag ng magalit sa akin. Yan ang hirap sa mga pa-perpektong tao eh. Diyan ka na nga"

Hindi ko masisisi si Alexander kung bakit siya nagalit sa akin kasalanan ko naman talaga kasi nag-alok-alok ako ng tulong tapos ayun hindi ko rin naman pala magagawa.

Nakita ko naman na pumasok dito sa loob si Marco at nakabanggaan niya pa si Alexander na papalabas dito sa Student Council Room.

Marco: Oh? Anong problema nun Angelo? Parang pasan nun ang problema sa buong mundo ah?

Angelo: Hindi, nagalit kasi siya sa akin kasi inaasahan niya na magagawa ko yung mga dokumento pero hindi ko rin nagawa kasi nga nag-alok ako ng tulong sa kanya napagalitan pa siya ng Principal.

Marco: Ang tanga niya rin naman. Bakit naman kasi siya papayag na gawin mo yun eh ikaw ang Presidente diba?

Angelo: Gusto ko lang naman makatulong diba?

Marco: Anong sabi niya?

Angelo: Ayun sinabi niya sa akin na wag daw akong magmagaling at magpasikat.

Marco: Ano? Ikaw na nga nag-alok ng tulong ganun pa sinabi niya? Ang kapal naman ng mukha niya. Tirahin ko yun eh.

Angelo: Hayaan mo na. Nag-lunch ka na ba? Tara sabay na tayo.

Marco: Hindi pa kaya nga ako nandito para yayain ka na eh. Nandun na sa Cafeteria sina Patrick.

Lumabas na kami dito sa Student Council Room at inilock ko na ito. Lahat naman ng mga officers dito ay may duplicate ng susi nito kaya kahit sino sa kanila pwedeng pumasok rito. Sa totoo lang, nakakapagod maging Presidente ng Student Council kasi lahat ng problema sinisolved namin ang kaso hindi naman masolve-solve dahil paulit-ulit pa ring nangyayari.

Pagkadating namin sa Cafeteria umorder na ako ng makakain ko pero si Marco dumiretso na dun sa table. Samantala, may isang babae na bumili ng isang grape juice.

Bigla ko tuloy naalala si Rina, yung Bestfriend ko.

Sana nandito pa siya kasama ko, nangako kami sa isa't-isa na gagraduate kami ng sabay pero hindi rin naman matutupad iyon dahil wala na siya.

Sana nasusunog na ang mga kaluluwa nung mga pumatay sa kanya kasi hanggang ngayon wala pa ring lead kung sino ang pumatay sa kanya.

Ang hirap mawalan ng Bestfriend.

-Patrick Reyes Point of View-

Ang tagal naman kausapin ng adviser namin sina Tammy at Ella pano ba naman kasi yung sutil kong kambal a yun nahuli na nangongopya kay tammy kaya ayun inakala rin ng teacher namin na nagpapakopya si Tammy sa kanya eh hindi naman alam ni Tammy na may nangongopya na pala sa kanya, kaya dito na muna ako sumabay kina Marco kumain kasama ko rin sina Jim, Troy, Simon, Angelo at syempre dahil kaibigan nila si Luke nandito rin siya.

Mystery Killer 2: The Revenge [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя