Chapter 59: Choice

789 37 3
                                    

Mystery Killer 2: The Revenge

-Tammy Valencia Point of View-

"Bulag ka ba? Hindi mo nakikita tong dumi na toh?" Sinunod ko na lang si Ate Gina ng sabihin niya iyon. Sa araw-araw na ganyan siya sa akin tila nasasanay na rin ako. Tsaka isa pa, ilang taon pa ako dito noh kaya dapat sanay na sanay na ako sa kanya. 

Sina Shaira at Ericka naman tumigil na rin sa pagtataray sa akin siguro dahil ayaw na rin nilang makulong tulad nung nangyari sa aming tatlo na kahit wala akong kasalanan damay pa rin ako. 

Si Johanna naman siya lagi ang kasama at kausap ko kahit magkaiba kami ng kwartong tinutulugan. Wala man si Bella rito, hindi ko naramdaman na nag-iisa ako dahil na-andyan siya para sa akin na mapagkakatiwalaan ko. 

Sina Marco at Luke pag may free time nag-uusap kami at kung walang free time palihim kaming nag-uusap na tatlo sa pamamagitan ni Johanna, tinutulungan kami ng batang iyon. 

Naaawa nga ako kay Johanna alam ko naman na ayaw niyang gawin ang bagay na iyon pero wala siyang nagawa kundi ang gawin ang choice na yun. 

Pagkatapos naming maglinis bumalik ako sa kwarto at nakita ang limang babae na tila kinikilig na may pinagmamasdan mula sa kabila. Nasa kabila lang kasi ang Boys Town at makikita namin sila sa bintana. 

Napa-iling na lang ako at nagpalit na. 

"Uy Tammy!" Tawag naman ng isa sa akin. 

Tammy: Oh bakit?

"Meron ka bang crush dun sa Boy's Town?" Napa-taas na lang ang dalawang kilay ko. Wala kasi dito ang crush ko at mas lalong hindi crush dahil mahal ko yun. 

Tammy: Crush? Naku wala noh. 

"Weh? Ang kj mo naman. Wala talaga?"

Tammy: O sige wala akong crush diyan dahil nasa Maynila ang taong mahal ko. 

"Nasa Maynila?" Nagsilapitan naman sila sa akin. 

Tammy: Oo. Mahal na mahal ko nga ang isang yun eh. Pinaramdam niya sa akin ang pakiramdam kung papano mahalin. 

Natulala pa ako na parang ewan. Naisip ko ang mukha ni Patrick, ang mukhang hindi nakakasawa tignan kahit habang-buhay. 

"Magkuwento ka naman tungkol sa kanya ano pangalan niya?"

Tammy: Patrick Reyes, yun ang pangalan niya. Simple lang siyang lalaki, mabait, masarap kausap at higit sa lahat poprotektahan ka niya. Makulit rin kaya yun, kaya nga minahal ko siya eh. 

Kinilig naman silang lahat. Ako rin kahit na kinukuwento ko lang kinikilig rin ako pero iba pa rin ang kilig kung nasa harapan ko siya. 

"Tapos?"

Tammy: Naging kami. Pero nung mga oras na yun hindi niya alam na kasabwat ako ng mga Killer sa eskwelahan namin pero hindi ako pumapatay meron isang beses na pinagawa nila ako hindi man physical ako naman nagtapon ng sinding posporo sa pinaliguang gas sa sasakyan naandun ang girlfriend ng isa sa mga papatayin nila na pinagawa nila sa akin. 

"Nagawa mo yun?"

Tammy: Oo. Kaya nga siguro nagalit siya sa akin kasi naglihim ako sa kanya. Pinagmukha ko raw siyang tanga. Kaya sa huli bago sila umuwi ng Maynila ako na ang nakipaghiwalay sa kanya dahil alam kong yun naman ang kagustuhan niya. 

"Anong nangyari dun sa mga Killer?"

Tammy: Namatay yung pinaka-boss nila Angelo ang pangalan. Yung nasa Boy's Town naman si Luke, tapos yung Marco naman hindi siya Killer hindi niya lang sinasadya na mapatay ang kapatid ni Angelo kung kaya't naghihiganti siya sa kanila. Ayun magkasama sina Luke tsaka Marco diyan sa Boys Town. Yung isang Killer naman ay kapatid ko sa ama na kung kailan nagka-ayos na kami dun naman siya pinatay. 

Mystery Killer 2: The Revenge [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora