Chapter 60: Promise {END}

1.3K 39 5
                                    

Mystery Killer 2: The Revenge

'Ako na lang pupunta ah? Dito ka lang hintayin mo sila'

Bilin naman ni Cruz kay Ella bago tuluyang pumunta sa may bahay. Gustong-gusto ng tulungan ni Ella ang kakambal ngunit ayaw niyang manguna dahil yun ang bilin sa kanya ni Jim.

Ngunit hindi niya inaasahan ang susunod na mangyayari. Mula sa kanyang likuran hindi niya alam na naandun ang kanyang ama na may maitim na balak sa kanya.

Ella: Mhmm! Mhmm!

Hindi naman makasigaw si Ella dahil biglaang may tumakip sa kanyang bibig at alam niyang mawawalan siya ng malay dahil sa gamot na nasa panyo. Ilang sandali pa tuluyan na ngang nawalan ng malay si Ella.

Hindi naman ito nakita ni Cruz kung kaya't hindi niya alam ang nangyari sa dalaga.

KINABUKASAN

Nagising si Ella sa isang kwarto at hindi agad naisip kung papaano siya napunta sa kwartong iyon hanggang sa maalala niya ang mga nangyari kagabi.

'Nasan ako?' Tanong naman niya sa kanyang sarili.

Bumukas ang pintuan at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang kanyang ama na si Gino. May dala-dala itong almusal para sa kanya. Nakaramdam siya ng kaba at takot kung kaya't napa-urong siya.

Gino: Goodmorning anak, mabuti naman at gising ka na. Ipinaghanda kita ng almusal.

Ella: Anong ginagawa ko rito? Bakit ako nandito? Ibalik mo na ako sa amin! Masama kang tao!

Gino: Anak naman, ilang taon tayo hindi nagkita at nagkausap tapos ganyan ka sa papa mo Masasaktan ako niyan.

Ella: Wala akong ama na mamamatay tao! Masama ka! Alam mo buti pa si papa Francis mabuti siyang ama sa amin at mabuti rin siyang tao sa iba pero ikaw? Ibang-iba ka sa kanya kasi siya anghel ikaw demonyo!

Nagulat si Ella ng bitawan ni Gino ang tray kung kaya't nasayang lamang ang pagkain maging ang tubig. Lumapit siya sa anak at hinawakan ng marahas ang baba nito.

Gino: Manang-mana ka sa mama mo, masyado kang palaban na babae. Ganyan ka ba pinalaki ha? Ang sumagot-sagot sa akin ng ganyan? Pinakikisamahan kita ng maayos kaya umayos kang bata ka! Pasalamat ka at anak kita dahil kung hindi patay ka na pagkatapos mong sabihin ang mga salitang iyon.

Binitawan naman niya ang baba nito at mas lalong tumalim ang tingin ni Ella sa kanyang ama.

Gino: Babalik ako rito at dadalhan ka ng makakain at maiinom. Kung hindi ka kakain o iinom man lang wag mo akong sisihin kung mamamatay ka dahil dun mas madadalian ako kung tatlo lang kaming pupunta ng mama mo at ni Patrick sa Laguna.

Ella: Anong ibig mong sabihin?

Gino: Pihadong sa mga oras na ito hinahanap ka na nila. Ikaw lang ang inuna ko dahil nakita ko na nag-iisa ka lang alam mo dapat si Patrick talaga ang una kaso umepal pa ang Tito Justin mo.

Ella: Kung ganun isusunod mo rin sina mama at si Patrick?

Gino: Gusto kong magkakasama tayong apat dahil tayo talaga ang pamilya at hindi ang Francis na yon. Nung wala pa kayo inagaw na niya sa akin si Sarah tapos ngayong nandito kayo, kayo naman ang inagaw niya kaya ngayon babawiin ko ang mga bagay na meron ako. At wawakasan ang mga buhay na dapat noon ay nawakasan na.

Ella: Parang awa mo na pa, wag mong sasaktan si papa. Sina Tito Justin maawa ka sa kanila! Ako, handa akong samahan ka wag mo na lang idamay sina mama at Patrick! Wag ka ng pumatay pa muli.

Gino: Wag mo akong diktahan anak dahil yun ang plano ko matagal na.

Lumapit naman sa pintuan si Gino upang makalabas na sa kwartong kinalalagyan ng anak. Agad na lumapit si Ella ngunit huli na ang lahat dahil naisara na ito ni Gino. Kahit gamitan niya ito ng kamay sa paghampas ng pinto, kahit pa ang kanyang mga paa ay hindi ito mabubuksan dahil sa kandado nito sa labas.

Mystery Killer 2: The Revenge [COMPLETED]Where stories live. Discover now