Chapter 57: Warning

736 35 1
                                    

Mystery Killer 2: The Revenge

-Tammy Valencia Point of View-

Hindi ako halos makatulog dahil sa pag-aalala ko kina Patrick at Ella. At ang bagay na hindi mas nakakapagpatulog sa akin ay ang katanungang Sino ba ang anak na tinutukoy ni Gino?

'Si Jim'

Para sa akin ang hirap paniwalaan na si Jim nga ang anak niya. Kaya, kailangan kong makausap si Jim patungkol rito ngunit hindi pa siya bumibisita rito. Gustong-gusto ko na siyang maka-usap.

Ericka: Hoy!

Napatingin naman ako sa dalawang babae na nasa harapan ko. Sina Ericka at Shaira. Pinaglagpas ko na ang ginawa nila sa akin dahil sa sinabi sa akin ni Johanna pero kung mas malala ang gagawin nila hindi ko na palalampasin pa iyon.

Tammy: Anong kailangan niyo?

Shaira: Napapagod na kasi kaming maglinis eh, pero dahil mabait ka naman pwede ikaw na lang gumawa?

Gusto kong matawa sa sinabi ni Shaira. Anong tingin nila sa akin katulong? Lahat kami dito may obligasyon na maglinis dahil nasa patakaran yun tapos uutusan lang nila ako na gawin ang gawain dapat naming lahat?

Tammy: Pasensiya na pero di ko yan matatanggap.

Ericka: At bakit?

Tammy: Dahil lahat tayo dito ay tungkuling maglinis tapos ibibigay niyo lang sa akin? Sorry ah pero gawain niyo yan kaya gawin niyo.

Aalis na sana ako sa harapan nila pero bigla na lamang hinablot ni Ericka ang buhok ko. Ano bang problema nila sa akin?

Tammy: Aray ano ba?! Bitawan mo nga buhok ko!

Hinawakan ko ang buhok ko na sinasabunutan niya dahil ang sakit ng pagkakahawak niya rito. Balak niya ba akong panutin?

Pinagtulungan nila akong dalawa hanggang sa mapaupo na lang ako sa sahig. Johanna nasan ka na ba? Kailangan kita ngayon.

Pihadong kapag nakita ito ni Ate Gina ako nanaman ang iisiping nag-umpisa nito kahit na ako na ang nakaupo sa sahig.

Ate Gina: Kayong tatlo! Ano ba tigilan niyo yan!

Sinasabi ko na nga ba.

~~~

Ate Gina: Sino ang nag-umpisa nito ha? Sino?!

Shaira: Si Tammy po.

Ericka: Si Tammy po Ate Gina. Naglalakad lang kami ni Shaira para maglinis tapos bigla na lang siyang sumulpot at tinarayan kami. Kung anu-ano po mga sinabi niya na ikinainis namin kaya ayun pinagtulungan po naming dalawa.

Tammy: Ano?! Pwede ba wag kayong gumawa ng kwento! Alam nating lahat na kayo ang nag-umpisa. Nakaupo lang ako at bigla kayong sumulpot sa harapan ko. Diba nga binibigay niyo pa sa akin ang paglilinis duty ninyo?!

Shaira: Wag ka nga magsinungaling!

Tammy: Magsinungaling?! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?! Sating dalawa sino kayang sinungaling ha?! Parehas lang kayong dalawa ni Ericka! Bakit ba ang init ng mga dugo niyo sa akin ah?! Wala naman akong ginagawang masama sa inyong dalawa ah?!

Ate Gina: Tama na yan! Kayong tatlo ikukulong ko kayo ng magkakahiwalay! At bukas na kayo makakalabas!

Nag-react agad ang dalawa pero ako? Hindi na lang ako nag-react dahil alam ko naman na mangyayari naman na talaga ito. May kasalanan man o wala madadamay ka pa rin.

Johanna: Ate Tammy?

Nakasalubong naman namin si Johanna at agad siyang pinagalitan ni Ate Gina ng makita siya nitong nag-gagala lang. Kaya pala kanina wala siya nung kailangan ko siya, pero hindi naman ako galit sa kanya.

Mystery Killer 2: The Revenge [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon